Advertisers
NAGDELIVER si Jalen Brunson ng 55-point upang hikayatin ang New York Knicks na mag rally mula sa double-digit fourth-quarter deficit para igupo ang Washington Wizards sa 136-132 sa overtime Sabado ng gabi sa Chase Center sa California.
Umiskor si Brunson ng 42 sa second half at overtime upang akayin ang Knicks na ibagsak ang malamyang Wizards para sa ika-pitong sunod sunod na NBA victory.
Ikatlong 50-point game ni Brunsonpara sa Knick, at kailangan ng New York ang lahat ng kanyang output laban sa Washington team naglalaro na wala si Kyle Kuzma at ang kanilang leading scorer Jordan Poole.
Justin Champagnie nagtala ng career-high 31 points para sa Wizards, na lumamang ng 11 sa third quarter at nakupo ang eight point lead sa fourth.
Shai Gilgeous-Alexander umiskor ng 22 points at Jalen Williams nagdagdag ng 20 para sa Western Conference-leading Oklahoma City Thunder sa komportabling 106-94 victory kontra Hornets sa Charlotte.
Iyon ay pang 10th straight regular-season win para sa Thunder.
Aaron Wiggins, na pumalit sa puwesto ni injured Luguentz Dort, umiskor ng 17 points para sa Thunder, na umangat sa 25-5.
Sa Chicago,Josh Giddey umiskor ng 23 points,15 rebounds at 10 assists para pamunuan ang Bulls sa 116-111 victory laban sa Milwaukee Bucks.
Nikola Vucevic nagdagdag ng 23 points att 13 rebounds habang si Coby White bumakas ng 22 points para sa Bulls.
Damian Lillard, umiskor ng 29 points at 11 assists para sa Bucks.