Advertisers

Advertisers

Iba sa PBA!

0 16

Advertisers

Isang malaking kaibahan ng PBA at NBA ay ang pagtrato sa mga coach.

Dito sa atin hindi uso ang basta pagpapaalis ng mga bench tactician sa koponan.

Oo lalo’t maganda naman performance ng mentor sa hawak niyang team.



Binibigyan ng ibang posisyon sa prangkisa kung oras na siyang palitan. O kaya graceful exit.

Ganire ang sistema.

Sa PBA biglang humalili si Consultant Leo Austria kay Head Coach George Gallent ngayong conference nang nagtatalo ang San Miguel Beer.

Assistant coach si Gallent nang pinaupo siya sa puwesto ni Austria na multi-titled mentor ng SMB dati.

Nang mawala na kinang ni Leo ay ginawa na lamang siyang consultant.



Sa NBA naman napatalsik si HC Mike Brown nang nagkasunod-sunod na olat ang Sacramento Kings. Nasa 13-18 na kartada nila. Sa eroplano pauwi nang ipaalam kay Mike ang masamang balita.

Nadaig sila ng Lakers 2x sa loob ng 3 araw sa sarili nilang homecourt. Tapos nitong laban kontra Detroit ang W na naging L pa nang natunaw ang 3 point lead sa huling mga segundo. Mangyari na-4 point play sila sa dulo..

Kaka-extend lang kontrata ni Brown nang tanghalin siyang Coach of the Year.

Sa unang match ng Kings sa post- Brown era ay inabot pa rin sila ng malas. Nadomina na naman sila ng Lake Show sa crypto.com arena sa LA.

Noong araw nangyari rin yan kay Michael Malone sa Kings. Hayun naging kampeon naman siya nang mapunta sa Denver.

Pati sa mga beterano tulad ni Doc Rivers naranasan rin ang ganito.

May nanalo ng titulo nguni’t tinanggal din gaya nina Mike Budenholzer ng Bucks at Frank Vogel ng Lakers.

Mabuti sa PBA ay inaakyat lang ang hindi na epektibong bench tactician sa consultancy role. Ganyan naganap may ilang taon na sa Northport. Nag ala- musical- chair game sina Pido Jarencio at Bonnie Tan. Nang mag back-to-back champion coach sa Letran si Tan sy ipinuwesto na siyang coach ng Batang Pier mula sa pagiging manager. Si Jarencio naman naging manedyer ng team.

Si Norman Black ng Meralco ay napunta rin sa papel ng consultant nang ibinigay sa dating assistant na si Luigi Trillo.

Si Caloy Garcia ay demoted sa assistant coach na role pagbalik ni Yeng Guiao sa Rain Or Shine.

Eka nga ni Tata Selo ay iba ang may pinagsamahan sa Pinas.

Sa NBA sinisipa ang HC kapag nainis na sa kanya ang management o mismong owner.

***

Kahapon 40 años na si LeBron Raymone James. Pinakamatandang player ngayon sa NBA. Pero pinakamarami ring puntos sa kasaysayan ng liga (41,131). 4th sa total assists (11,261) at 28th sa total rebounds ( 11,405). 4 na MVP at 4x na kampeon.

Walang nakikalang ama nguni’t responsableng tatay sa tatlong anak. Butihing asawa ni Savannah.

Pinakasikat na cager pero pinakamadalas ding ma-bash sa social media

Ayon kay Ka Berong ay dapat i-appreciate na lang natin ang greatness ni LBJ habang nandiyan pa siya. Mahirap na magkaroon ng katulad niya ang mga achievement.