Advertisers
KAMAKAILAN lamang ay nagawa pang ipagdiwang ng naghihingalo nang grupo ng mga komunistang-teroristang Communist Party of the Philippines’ (CPP) ang kanilang ika-56 na taon ng kanilang panggugulo sa ating bansa.
Kanila pa rin iginigiit sa kanilang mga miyembro ang kausa na kailangang baguhin ang sistema ng pamahalaan, na siya namang tinatanggihan na, ng marami sa ating mga kababayan lalo na ang mga dati na nilang naloko at nagbigay suporta sa kanila.
Di na ngayon mga tol. Ang lahat ng mga Filipino, kahiy na yun mga dating napipilitan lamang sumosuporta sa inyo, ay walang ibang ninanais kung di, kapayapaan at kaunlaran.
Ang sinasabi kasi nitong mga CPP-NPA-NDF, na kahirapan ang kanilang dahilan kaya sila ay lumalaban para baguhin ang sistema ng pamahalaan, ay panis na! Panis! Bulok na.
Style niyo bulok! Ang sabi nga ng karamihan. Ang karamihan na tinutukoy ko ay mga Filipinong rin naloko ng mga hunghang na CPP-NPA-NDF. Ayaw na ayaw na nila ang mga tirada nitong mga komunistang-terorista.
Ang ating pamahalaan naman, sa kabilang banda, ay ginawa na rin ang lahat upang patunayan na may malasakit ito, lalo na sa mga kababayan nating mga nasa laylayan ng kabuhayan.
Gamit ang militar, upang buwagin ang pwersa ng CPP-NPA-NDF at napagtagumpayan naman. Kaya nga kakarampot na lang ang bilang ng mga rebeldeng mga to, kasama na ang ‘armed wing’ nilang New People’s Army (NPA).
Matapos yan ay itinatag pa ang NTF-ELCAC (National Task Force to End Local Communists Armed Conflict) na siya namang naglatag ng mga pamamaraan upang maisulong ang kaunlaran sa mga pinesteng lugar sa ating mga kanayunan.
Hinding hindi na makakaporma pa ang CPP-NPA-NDF. Bukod kasi sa style na bulok ng mga ito, karamihan sa kanila ay sumuko na at naunawaan ang tunay na malasakit ng pamahalaan sa pamamagitan ng NTF-ELCAC.