Advertisers

Advertisers

PROGRAMANG TRIPLE “A” NI NCRPO CHIEF ABERIN, OK PERO MAY HALO UMANONG PAMBOBOLA? (ILIGAL NA SUGAL NAGSULPUTAN NA SA KANYANG ERYA?)

0 44

Advertisers

HAYAAN nyo na batiin ko kayong lahat ng Maligayang PASKO at masaganang BAGONG TAON, salubungin nawa natin ang 2025 ng may pagmamahal sa kapwa at pagpapatawad tungo sa tunay na kapayapaan.

Samantala sa naging speech kamakailan ni PBGen Anthony Aberin bagong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), sa Camp Bagong Diwa Taguig Bicutan sinabi nito na dala niya ang programa at estratehiya ni PNP chief Director General Rommel Francisco Marbil na tutuon sa walang humpay na kampanya laban sa lahat ng uri ng iligal at krimen.

Sinabi ni Aberin na miyembro ng Philippine National Police Academy class ’93 o Tagapaglunsad, na patuloy niyang gagawing ang paglaban sa mga iligal na operasyon at patuloy na pagsisilbihan ang mga mamamayan tungo sa pagbabago.



Naniniwala din ang bagong top cop ng Metro Manila na upang mapagtagumpayan ang iniatang sa kanyang tungkulin ay kailangan ang “Back to Basic” at higit na pagtuunan ng pansin ang ‘crime prevention at crime solution’ kasi nga naman ang pangunahing tungkulin ng mga alagad ng batas ay pagpigil at paglutas ng krimen.

“I want every men and women of NCRPO to be an “AAA” policeman. Everyone must be Able, Active and Allied police officers. I also urge all the members of NCRPO for aggressive police visibility. We must be seen and felt by the public. Our attentiveness to the needs of our community will make them feel that they are utmost priority which further promotes trust and confidence and [that we are] ready to respond to any eventualities that may arise,” Aberin said during his inaugural speech,” pahayag ni Aberin.

Iginiit din ng bagong NCRPO Chief na kailangang ang bawat pulis, babae o lalaki man, ay kailangang taglayin ang “AAA” o ABLE, ACTIVE at ALLIED.

ABLE na ang ibig sabihin ay nagtataglay ng mga kakayahang kailangan upang magawa ng matagumpay ang trabaho. Kaya nga ang mga pulis dapat ay mabigyan ng tamang training at paangatin pa ang kanilang kaalaman at husay sa teknolohiya.

ACTIVE na nangangahulugang laging handa ang mga pulis upang mapigilan ang krimen at pagbutihin pa ang pagbibigay solusyon sa kaganapan kaya naman mas patatatagin pa ang mga operasyon sa lahat ng uri ng operasyon bukod pa sa mismong paglilinis sa kanilang hanay.



ALLIED na ang ibig sabihin ay kikilalanin ang kahalagahan nang pakikipagkaibigan at pakikipagtulungan sa mga stakeholder kabilang ang mga tao sa pamahalaan pribadong tanggapan, civil society group at media upang mas lalong mapalaki ang samahan at magtagumpay sa nais na marating sa pamamagitan nang sama-samang pagtupad sa tungkulin.

Naniniwala din si Aberin na hindi mapagtatagumpayan ang anomang layunin kung mag-isa lang kaya naman pagtutuunan ng pansin ang tatlong “A” na nataon din ng kanyang initial na pangalan.

Hanep pala ang programang ito parang baterya na Triple “A” he.he.he…

Ang programa at estratehiyang ito ayon kay Aberin ay palalakasin ang kampanya kontra POGO at lahat ng klase ng iligal at kriminalidad sa pamamagitan ng pakikipag tie-up sa mga ahensya ng pamahalaan.

Ang tanong ng mga residente ng Metro Manila ay kung kaya ba itong magawa sa kamaynilaan gayong bumabaha na naman ang iligal na droga at patunay ang pagkakaaresto sa apat na indibidwal sa iligal na droga sa Metro Manila kabilang na ang P23 milyon anti-illegal drugs operation sa Caloocan City.

Bukod sa droga nagsulputan na uli ngayon ang sugal lupa tulad ng “color games, beto-bito at drop ball” na kung tawagin ay Pergalan (Perya-sugalan) sa Metro Manila na diumanoy kakupetensya ng jueteng matapos umanong italaga si Aberin bilang hepe ng NCRPO ay nagsulputan na ang mga ito.
Ayon pa sa ilang concern citizen, may halong pambobola ang programa ni Aberin dahil matapos umanong ipatigil noon ng dating NCRPO Chief, PMaj Gen. Melencio Nartatez Jr., ang mga sugal lupa sa Metro Manila ay lantad na uli ngayon ang presensya ng mga ito saan mang-sulok ng kamaynilaan.

Partikular anila ang gabi-gabi na sugal na “color games at drop ball” na matatagpuan sa may Cockpit Arena ng Pateros, Barangay 163 Santa Quiteria Road, Caloocan City, at Banawe St. corner NS Amoranto Sr. St. sa Quezon City na pag-aari ng mga kilala at bigtime na gambling operators na alyas Rodel, Baby P., Boknoy at Elmer.
Ang lahat ng illegal vices na ito ay nasa AoR ni Aberin nasa makatuwid hindi umano umubra ang programang Triple “A” ng metro manila top cop. Tsk.tsk.tsk…

Ang tanong ay kung paano ito nakakalusot kina Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen Melecio Buslig, Southern Police District (SPD) Director PBGen Manuel Abrugena at Northern Police District (NPD) acting Director PCol Josefino Ligan?

Dahil pakiwari tuloy ng ilang concern citizen na nagpaabot ng kanilang hinaing sa pitak na ito ay walang gobyernong sumusupil sa mga pasugalang ito?
Oh baka naman na “lowbat” na ang Triple “A” ni Aberin?

Subaybayan natin!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.