Advertisers
NAKAKABAHALA ang pagkakatuklas ng isang underwater drone na may palatandaang gawa ito sa pulahang tsina. Nakuha ang drone malapit sa dalampasigan ng San Pascual, Masbate noong nakaraang Lunes. Ang underwater drone na dalawang metro ang haba ay hudyat na pinaigting ng pulahang tsina ang kakayahan nila sa paggamit ng ng kakaibang teknolohiya sa dirty tactics, na lumalabag sa kasarinlan ng Republika ng Pilipinas.
Hindi ito bagay na ipinagwawalang bahala. Sa ngayon ang underwater drone ay nasa kamay ng ating Hukbong Katihan at tinitiyak ng abang peryodistang ito na masusi itong pinag-aaralan. Ang underwater drone ay walang sandata dahil ito ay ginagamit upang mag matyag sa kapaligiran.
Iba ito sa mga buoya na pinalutang sa gawi ng Bajo de Masinloc at Panatag, kanluran ng Zambales, dahil ito ay may kakayahang umikot at gumala sa ilalim ng dagat. Tulad ng sinasabi ko noon ang pulahang tsina ay kailanman hindi dapat pagkatiwalaan. Harapan ipinakita ng pulahang tsina ang walang pakundangang paglabag sa soberenya ng anumang bansa.
Iginiit ko noon pa man na ang pulahang tsina ay kailanman hindi maaari pagkatiwalaan. Hindi sumusunod sa umiiral na batas ito bagkus, kumokontra ito at nag-iimbento ng dahilan na palagi sang-ayon sa kanyang agenda. Dahil ditto, lumalala ang sitwasyon sa mga hangganan natin pati sa nasasakupan natin partikular ang West Philippine Sea.
Mabuti at ang pamahalaan ay pumalag na. Ang gawain ng pulahang tsina ay nararamdaman, maging ng mga bansa tulad ng Vietnam at India. Mapanganib dahil mitsa ito upang sumambulat ang malaking sigalot sa rehiyon ng Silangang Asya.
Ngayon, ang Republika ng Pilipinas ay nagpapalakas at naghahanda; bagay na ayaw ng mga ipis sa peking. Alam nila hindi maaaring umiral ang gusto nilang mangyari kapag nagbuklod at nagbigkis ang mga ito.
***
ANG impluwensya ng mga Duterte ay unti-unting gumuguho. Matapos lagdaan ni PBBM ang Executive Order 81 na tinatanggal ang pangalawang pangulo sa National Security Council (NSC). Nagbigay ng paliwanag ang Malacañan na ito ay upang mapalawig ang katatagan ng konseho. Heto lang yan.
Ngayon, ang pinakamalaking panganib sa katatagan ng seguridad ay ang pangalawang pangulo. Una, dahil hindi tiyak ang katatagan ng pag-iisip nito, may posibilidad na gumawa ng hakbang ito, na ikasasama ng bansa. Pangalawa, Si Sara Duterte, at ama nito na dating pangulo na serial killer Rodrigo Duterte ay maka-pulahang tsina.
Wala akong pakialam kung anong panig ng pulitika ang kanilang kinakatigan, ngunit tiyak ko kapakanan ng pulahang tsina ito, at hindi kapakanan ng Republika ng Pilipinas. Sa maikli, ito at maganda para sa Bayan. Tinanggal din sa konseho ang mga dating pangulo (Digong, Gloria at Erap) at magdaragdag ng mga tao na tingin ng pangulo, magiging kapaki-pakinabang sa NSC.
Tinanggal ang maaaring magsilbing panganib, at mga hindi na makaka-atang sa konseho gawa ng katandaan. Sa opinyon ng abang peryodistang ito, magsisilbing pandagdag sa kalasag ng Bayan ang Executive Order 81. Patnubayan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.
***
HUMIHINGI si Sara Duterte ng paliwanag kung bakit siya tinanggal sa NSC. Payo ko sa iyo: Abangan ang kabilugan ng buwan at titigan mo ng matagal. Baka sakaling sagutin ka ng buwan. Hamag ka.
mackoyvi@gmail.com