Advertisers
Ni Rommel Gonzales
BONGGA ang Pinay! PangalawangPilipina si Ma. Thea Judinelle Casuncad ng Laguna na nanalo bilang Miss Supermodel Worldwide 2024.
Ginanap ang coronation night sa New Delhi sa India na ginanap nitong Mayo ng 2023.
Tatlumpu’t anim na bansa ang nakalaban ni Thea. Kumukuha ng kursong Tourism si Thea sa University of Perpetual Help – Dr. Jose G. Tamayo Medical University.
Ang Velvet Media, Inc. ang siyang nagmamay-ari ng Philippine franchise ng naturang beauty pageant.
Ang mga opisyal ng Velvet Media, Inc. ay sina JJ Maghirang III/President & CEO; Jhovs Medico/
Managing Partner; Mae Maghirang/Director; Ronn Litao, Michelle Perez at Bianca Lapus/Director.
Ang Miss Supermodel Worldwide Philippines Core Team naman ay binubuo nina Mae Maghirang/National Pageant Director; JJ Maghirang III/Creative Director, Reygie Rodriguez/Delegate Welfare & Training Director and Lead Hair & Make-up Artist, Schanel Ivy Rain/Event Director; Bianca Lapus/PR Director; Sam Sapo at Alex Moico/Media Relations Head; John Henry Cabezas/Photography and Videography Lead; Michelle Perez/Operations Director; Mae Maghirang/Finance Director at Ronn Litao/Sales & Marketing Director.
Idinaos din ang official sashing ng 2025 Miss Supermodel Worldwide Philippines pageant na dinaluhan ng dalawampung kandidata na sina Kimberly Flores ng Caloocan; Dyna Ruth Alguin ng Cavite; Lhorie Lyn Tiongco ng Laguna; Nina Lauroanna Flores ng Las Piñas; Mher Karizze Narciso ng Makati; Pia Carillo ng Mandaluyong; Doreen Ahija ng Pasay; Maria Christine Ordeviza ng Rizal Province: Alliza Patricia Juare ng Jose del Monte Bulacan; Abegyl Balbuena ng Sultan Kudarat at Maria Sophia Magsipoc ng Taguig.
Ang pageant o coronation night ng Miss Supermodel Worldwide Philippines ay gaganapin sa January 24, 2025 (Friday), 6:00 PM sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts, Pasay City.
***
MASAYANG-masaya si Nathan Studios producer Sylvia Sanchez dahil natupad ang pangarap niyang magwagi bilang Best Float sa MMFF Gabi Ng Parangal nitong December 27 sa Solaire Grand Ballroom.
Ka-tie ng Topakk sa Best Float ang Uninvited na nagkataon namang ang Mentorque Productions producer na si Bryan Dy ng Uninvited ay kaibigan ni Sylvia.
At kung noon ay nanonood lamang si Sylvia ng parada kapag may MMFF, ngayon ay awardee na siya bilang Best Float.
Bukod dito ay nanalo rin ng Special Jury Prize ang Topakk.
Pero pinaka-espesyal kay Sylvia ay ang pagwawagi ng Topakk ng Fernando Poe, Jr. Memorial Award ng Topakk.
Malapit kay Sylvia ang yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si FPJ.
Nakasama ni Sylvia si FPJ sa pelikulang Minsan Pa: Kahit Konting Pagtingin 2 at mula noon ay naging magkaibigan na sila.
At naroroon kami sa bahay nina Sylvia at mister niyang si Art Atayde sa Pasig noong pumasyal doon si FPJ two weeks bago ito pumanaw noong 2004.
At noong MMFF Gabi Ng Parangal, galing sa comfort room si Sylvia noong tawagin ang Topakk bilang winner ng FPJ Memorial Award kaya hindi niya narinig kung anong eksaktong award ang napanalunan ng Topakk.
Kaya naman noong ma-inform na si Sylvia na award na konektado kay FPJ ang nakamit nila ay halos maluha ang aktres sa tuwa.
Sayang nga lamang daw at hindi siya lubusang nakapagpasalamat at nabanggit si FPJ sa acceptance speech niya dahil hindi nga siya agad naging aware kung ano ang award dahil nga galing siya sa CR.
Habambuhay raw nilang ite-treasure ni Arjo Atayde, na bida sa Topakk, ang mga napanalunan nila sa 50th MMFF higit sa lahat ang FPJ Memorial Award dahil nga napakaespeyal kay Sylvia si FPJ; Tito Ron kung tawagin niya ito noong nabubuhay pa.
Nakatsikahan namin ang aktres at mega-producer nitong Bisperas ng Bagong Taon.
Naaliw kami dahil habang kausap namin si Sylvia ay nagsu-swimming ito sa pool sa resthouse nila sa Batangas!
Nag-swimming daw siya dahil gusto niyang tanggalin ang lahat ng pagod sa katawan niya bunga ng walang humpay niyang trabaho para sa Topakk na pelikula ng kanilang Nathan Studios na palabas pa rin sa mga sinehan ngayon bilang entry sa 50th Metro Manila Film Festival.
Hands-on si Sylvia sa lahat ng aspeto ng Topakk kaya naman deserve niyang magpahinga muna bago ang next project ng Nathan Studios.