Advertisers
SARI-SARING paputok at 841 na ‘boga’ ang nakumpiska ng Southern POlice District simula noong Disyembre 16,2024 hanggang Enero 6,2025,bilang bahagi ng pinaigting nitong kampanya laban sa paputok sa pamamagitan ng serye ng mga operasyon at inspeksyon mula sa ibat-ibang lugar ng Metro Manila.,napag-alaman sa ulat.
Ayon kay SPD Director PBGEN Manuel J Abrugena, ang mga nakumpiskang firecrackers ay nagkakahalaga ng P424,178.00 kung saan ay dinala ang mga ito sa isang ligtas na lugar upang sirain. Si Abrugena ay nagpahayag ng kasiyahan sa pagbawas ng bilang ng mga insidente kumpara sa mga nakaraang taon.
“Ikinagagalak kong iulat na, kumpara sa mga nakaraang taon, nakita namin ang isang makabuluhang pagbaba sa parehong bilang ng mga insidente na may kaugnayan sa paputok at ang dami ng mga ilegal na paputok na nasamsam. Ang tagumpay na ito ay bunga ng pagsusumikap at pagbabantay ng ating mga tauhan, gayundin ng pagtutulungan ng komunidad” ani Abrugena
Bukod sa mga nakumpiska, iniulat ng SPD ang 71 nasawi na resulta ng mga insidenteng may kinalaman sa paputok sa pagdiriwang ng Bagong Taon. Bukod pa rito, tatlong insidente ng ligaw na bala ang naitala, at naaresto ang apat na suspek dahil sa ilegal na pagmamay-ari, paggamit, at pagbebenta ng mga paputok.
Ang malakas na kampanya ng SPD sa pagtuturo sa publiko tungkol sa mga panganib ng ilegal na paputok at ang kahalagahan ng paggamit lamang ng mga itinalagang lugar para sa mga fireworks display ay nag-ambag sa mas ligtas na pagdiriwang ng Bagong Taon sa Southern Metro.
Ang mga nakumpiskang paputok ay 871 piraso ng “boga”, isang makeshift na kanyon na karaniwang gawa sa PVC pipe na ginamit upang makagawa ng malalakas na ingay, sari-saring paputok tulad ng kwitis, lucis, whistle bomb, fountain, Judas belt, 5 star, super lolo, pla-pla , piccolo at iba pa. (JOJO SADIWA)