Advertisers

Advertisers

4 patay sa pamamaril sa Batangas

0 262

Advertisers

APAT ang naitalang nasawi sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril nitong Martes at Miyerkules January 7 – 8, 2025, sa bayan ng Agoncilio, Padre Garcia at Rosario, Batangas.

Pinagbabaril ng grupo ng kalalakihan ang negosyanteng si Eugene Petil, ng Pili Camarines Sur; at ang tauhan nito na si James Clerck Asuncion, 20, ng Villa Nati Munoz, Nueva Ecija pasado 4:00 ng hapon ng Martes sa isang kubo sa Barangay Banyaga, Agoncilio

Arestado naman sa follow up operations ang tatlong salarin na sina alyas “Jojo”, “Gemo” at “Jay”, mga nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na lugar. Mga hired killers umano ang mga ito.



Ayon sa report ni Agoncilio Chief of Police, Major Brode-rick Barrantes Noprada; kay Calabarzon PRO-4A Regional Director, Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, lumalabas na may malaking utang ang mastermind kay Eugene, na nagtu-ngo sa lugar para singilin ang suspek, subalit imbes na magbayad ay ipinapatay ito sa mga naarestong salarin.

Natagpuan sa lugar malapit sa crime scene ang ginamit na sasakyan ng mga biktima na Toyota Hilux na kulay puti (NDQ1809), isang cellular phone at isang basyo ng bala.

Samantala, nasawi din sa Barangay Puting Kahoy, Rosario si Isagani Capilla, 54, nang paulanan ng bala ng ng kanyang nakaalitang pinsan na si Loreto Capilla, 51. Tumakas ang ang salarin dala ang caliber 9mm na ginamit sa krimen.

Patay din sa Barangay Poblacion, Padre Garcia, 6:30 ng umaga ng Miyerkules si Gigi Lolong, 48, nang barilin ng isang nakasuot ng bonnet at jacket. Mabilis na tumakas ang salarin sakay ng isang Yamaha Mio motorcycle. (KOI LAURA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">