Advertisers

Advertisers

Problema narin ni PBBM ang kamatis

0 2,717

Advertisers

BINABANTAYAN ngayon ng Malakanyang ang grabeng pagmahal ng kamatis. Nag-worry raw si PBBM.

Hindi na ito dapat pinoproblema ng pangulo ng bansa. Dapat sa Department of Agriculture ito eh. Nakapasimple lang naman kasi ang solusyon sa ganitong problema. Pang-local governtnent nga lang ito eh.

Oo! Kung concerned lang ang Local Governent Units (LGUs) sa agrikultura, ano ba namang bumili sila ng mga binhi ng gulay tulad ng sa kamatis, okra, sitaw, pichay, sili, etc… Ang mga gulay na ito ay tumutubo at namumunga kahit sa paso. Take note: Ang Pilipinas ay isang agricultural country. Hindi na nga natin kailangan ng imported na mga gulay eh. Yes!



Sa mga probinsiya ay malawak ang bakuran ng bawat residente. Bigyan sila ng seeds ng mga gulay na ito at tiyak hindi na sila kailangan pang pumunta sa merkado para makipag-agawan sa mga mayayaman sa pagbili ng mga gulay na mauulam sa araw-araw. Mismo!

Mayors, gising!

***

Nagbabaga ang word war sa pagitan nina Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co at Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio.

Ito’y dahil sa walang tigil na pag-atake ni Inday sa AKAP (Ayuda sa Kapos ang Kita Program) na ang utak ay walang iba kundi ang tandem nina Speaker Martin Romualdez at Co.



Si Co ang chairman ng House Committee on Appropriations. Hawak niya ang kaban ng Kamara. Kaya halos lahat ng kongresista ay sumisipsip sa kanya para busog. You know!!!

Para kay VP Sara, ang AKAP ay korapsyon, suhol para sa mga botante ngayong darating na eleksyon at sa 2028 presidential race kungsaan balitang kakasa si Romualdez. Buking!

Ang AKAP ay mayroong P26 billion pondo ngayong 2025.

Sa totoo lang, base sa aking mga naobserbahan, may katotohanan ang sinasabi ni VP Sara. Dahil ang mga nakakatanggap lang ng AKAP ay mostly supporters ng mayor sa pamamagitan ng barangay kapitan, na mga sumususo rin sa alkalde. Ang hindi supporters ng alkalde, walang AKAP!

Sabi ni Co, ang DSWD ang nagpapatupad ng AKAP. Kaya walang korapsyon dito. At bawal daw ang mga politiko magpunta sa bigayan ng ayuda. C’mon!!!

Sa mga probinsiya partikular sa amin sa Romblon, kapag bigayan ng AKAP ay present ang buong tiket ng kongresista, gobernador, bokal, mayor at mga konsehal. Nakaupo pa ang mga ito sa presidential table at magsasalita sina congressman, governor at mayor. Peks man!

Ang sinisisi ko rito ay ang opisyal ng DSWD na nangangasiwa sa pagbibigay ng ayuda. Oo! Hindi makakarating sa araw at oras ng bigayan ng ayuda ang mga politikong ito kung hindi nila pinapunta. Mismo!

Kaya kung may dapat mang sipain sa kalokohan sa pagbibigay ng ayuda ay ang opisyal ng DSWD na nangangasiwa sa pagbibigay ng ayuda ng AKAP. Mismo!

***

Sa darating na halalan maraming mag-anak ang sabay-sabay na tumatakbo at magka-tandem. Tulad sa Davao City, kandidatong mayor si ex-president Rody Duterte at ang vice niya ang kanyang anak na si Baste.

Ang rason ni Digong, ginawa niya ito para kapag namatay siya ay Duterte parin ang may hawak ng lungsod. Naupo sa politika si Duterte nang italaga ni late President Cory Aquino pagkatapos ng 1986 People’s Power. Tsk tsk tsk…

Sa Pampanga, mag-ina rin ang tandem sa governor at vice governor. Nagpalit lang ng posisyon sina Lilia (ina) at Dennis Pineda (anak).

Sa Senado, daming magkapatid na Senador. Huwag na natin silang iboto. Napakatakaw na nila sa kapangyarihan!

Let’s do it!