Advertisers

Advertisers

“Tatapusin natin ang krisis sa basura. ‘Di tayo magpapadala sa maling impormasyon at pamumulitika” – Mayor Honey Lacuna

0 34

Advertisers

“ANG ating layunin ay tapusin ang krisis sa basura at siguraduhing hindi na ito maulit. Hindi po tayo magpapadala sa maling impormasyon o pamumuitika.”

Ito ang deklarasyon ni Manila Mayor Honey Lacuna, matapos pasinungalingan ang pahayag ng Leonel Waste Management (Leonel) na may utang na P561.4 million at hindi umano nila inabonda ang koleksyon ng basura sa lungsod nitong kritikal na holiday season.

“Totoo pong may natitira pang bayad para sa kanilang serbisyo noong 2024, ngunit ito ay ilang buwang serbisyo na lang at kasalukuyan ng pinoproseso. Ang sinasabi nilang halagang P561.4 milyon ay malayo sa realidad. Tapat at totoo po tayong tumutupad sa ating obligasyon, hindi tayo tumatakbo sa ating utang tulad ng iba,” saad ni Lacuna said na ang pinatutungkulan ay ang sinundan niyang mayor na si Isko Moreno, na nag-iwan ng P17.8 billion utang.



Sinabi pa rin ni Lacuna na inaasahan niya na mareresolba na ang suliranin sa basura sa January 10 o bago pa dumating ang petsang ito matapos atasan ang mga bagong tagahakot na magtrabaho ng round-the-clock.

“Bago mag-Enero 10, kailangang tapusin na nila ang koleksyon ng lahat ng tambak na basura mula Pasko at Bagong Taon. Araw-araw po nating binabantayan ang kanilang operasyon para masigurong natutupad ito. Ang problemang ito ay hindi natin titigilan hanggang sa maibalik ang kaayusan sa Maynila,” Sabi pa ng alkalde.

Ayon naman sa spokesperson ng alkalde na si Atty. Princess Abante sa isang panayam na, hindi naghakot ng basura ang Leonel sa critical days na December 30 at 31, kung saan ang volume ng basura ay tumataas dahil sa holidays.Hanggang December31, 2024 ang kontrata ng Leonel.

Idinagdag pa ni Abante na , nadagdag pa sa mga di nakolektang basura Ang araw-araw na basura ng mga residente lalo na’t sobrang dami ng population sa Maynila, ang isang araw na hindi pagkolekta ng basura ay mangangahulugan ng suliranin sa buong lungsod.

Ipinaliwanag din ni Abante na hindi tinanggal ang Leonel bilang garbage contractor. Pinalitan sila dahil di sila sumali sa bidding, na bahagi ng proseso na nire-require ng batas sa pag-a-award ng government contracts.



Ayon pa kay Abante, kung mayroon mang namumulitika sa sitwasyon ito, hindi ang Lacuna administration, dahil nakatuon ang atensyon ng lady mayor sa epektibong pagbibigay ng serbisyo sa residente ng Maynilam

“Baka sila (Leonel) ang may politika dahil they know who they are friends with” pahayag ni Abante. Bustadong malapit na magkaibigan sina Moreno at Nel Velasco, may-ari ng Leonel. Maging ang byaheng nila sa abroad ay pinopost pa ng mga ito sa social media. Hindi nakapagtataka na Leonel ang ginawaran ng kontrata noong panahon na si Moreno ang mayor ng lungsod. (ANDI GARCIA)