Jillian never naging spoiled, strict ang parents; Rufa Mae humarap na sa NBI sa kasong investment scam
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NASA bansa na nga ang comedienne/actress na si Rufa Mae Quinto. Dumeretso na kaagad siya sa NBI para sumuko.
Matatandaang nasangkot si Rufa sa investment scam ng Dermacare skin clinic na halos kapareho ng kinaharap ni Neri Naig.
Si Rufa ay nakasuhan ng 14 counts of violation ng Section 8 of the Securities Regulation Code.
Ayon sa ulat, ang bawat kaso ay may pyansang ?126,000 each, na sa kabuuan ay aabot sa halagang ?1.7 million.
Pero ayon sa lawyer ng aktres na si Mary Louise Reyes ay hindi raw natapos ang proseso ng pagpyansa kaya ngayon ay inaasikaso na nila ito.
Pinili namang manahimik muna ng komedyana tungkol dito.
Sey niya “Bawal pa ako magsalita. No comment pa raw. I-a-update ko kayo agad.”
Muli ay sinabi ni Atty. Reyes na biktima lamang ang kanyang kliyente. Malaki pa nga raw ang pagkakautang ng nasabing kumpanya sa aktres bilang endorser.
***
SA panayam ni Nelson Canlas kay Jillian Ward na ipinalabas sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, ibinahagi ng aktres na kabaligtaran ang buhay niya pag-uwi sa bahay kumpara sa nakikita ng publiko na isa siyang masayahing tao.
Aniya,”Growing up, sobrang strict ng parents ko, as in OA. Hindi po ako spoiled growing up. I had to earn everything I have. So kung ano po ‘yung meron ako, I worked for it, even my toys, I worked for it.”
“I guess, naging mahirap siya.
“Growing up hindi ako marunong mag-say ng ‘No.’ Imagine ninyo po, andoon ‘yung kabaong ng lolo ko, umiiyak ako tapos may nagpapa-selfie. ‘Ah sige po,'” pag-alala ni Jillian.
“I grew up na hindi ako marunong mag-‘No.’ Somehow ‘yun ang natutunan ko ngayon, na kailangan mo rin ng boundaries to protect your emotional, mental health,” paliwanag pa niya.