Dahil naiinsekyur na… Jak pinatiktikan sa utol na si Sanya ang kilos ng BarDa sa pinagsamahang serye
Advertisers
Ni Archie Liao
HANGGANG ngayon ay tahimik pa rin ang kampo ni Jak Roberto hinggil sa tunay na rason ng hiwalayan nila ng ex na si Barbie Forteza.
Pero habang nananahimik naman si Jak ay patuloy na hindi siya tinatantanan ng mga dalahira sa social media.
Hindi kasi biro ang seven years na pinagsamahan nila ni Barbie kaya naman bet din ng mga katkatera at sawsawera na ma-satisfy ang kanilang curiosity.
Habang mum din si Jak hinggil sa isyu ay kung anu-anong kuwento ang iniuugnay sa kanya dahil sa naging breakup nila ni Barbie.
May mga mahaderang binibigyang kulay ang diumanoý dalliance niya sa mga starlet.
May ilan ding pa-savage na kumukuwestiyon kung bakit afford nito ang comfortable lifestyle gayong wala naman itong regular na raket, show o serye na pinagkakaabalahan sa GMA-7.
In fairness to Jak, isang businessman naman ang Kapuso actor dahil may line ito ng skincare products.
Matagal na rin siya sa showbiz at sa panahong iyon ay may naipundar naman siya kahit paano.
Pero ano itong mga haka-hakang lumalabas.
Napag-usapan ang isyung ito sa “Showbiz Updates” YouTube channel ni Ogie Diaz kasama si Tita Jegs na siyang nagbigay ng impormasyon tungkol sa dahilan ng hiwalayan nina Jak at Barbie.
Hirit niya, baka raw nakaramdam si Jak ng insecurity kay Barbie dahil sa patuloy ang pamamayagpag nito at ng tambalan nila ng Pambansang Ginoo na si David Licauco.
Sey pa niya, baka raw hindi umubra ang anti-selos nito kay David.
Pero kinontra naman ito ni Mama Ogs dahil ayon sa pagkakaalam niya ay suportado ni Jak ang tambalang BarDa.
Sa kanya namang online show, sinabi ng beteranang showbiz journalist na si Cristy Fermin n umano ay may mga nabalitaan daw siya na nagseselos daw si Jak kay David.
Ang siste, medyo naging paranoid daw ito dahil laging magkasama sa taping ang love team partners.
Katunayan, ayon daw sa ilang sources niya ay ‘pinatiktikan’ daw ni Jak ang galawan ng BarDa sa kanyang kapatid na si Sanya Lopez sa kanilang katatapos na serye.
Noon pa rin daw niya napansin na tila may problema ang relasyong JakBie dahil hindi kasama ni Barbie ang former boyfriend nang manood ito ng “Eras Tours” sa US ni Taylor Swift.
Bukas naman ang pahinang ito sa panig ng mag-ex hinggil sa isyu.