Wala raw tayong ginagawa para bigyan ng permanenteng bahay ang mga Manileño?
Advertisers
FAKE NEWS. Iyan ang sagot ko sa mga paratang ng nakaraang mayor na si Isko Moreno Domagoso. Para sa kaalaman ng lahat, tuloy-tuloy po ang ating programa sa pagbibigay ng ABOT-KAYANG LUPA sa mga Manileño—lupa na maaari nilang tayuan ng bahay at tuluyang ariin bilang kanila.
Totoo pong pinagmamalaki ng dating administrasyon ang kanilang mga proyektong “pabahay.” Pero ang tanong: sino ba ang tunay na nakinabang? Habang-buhay na inuupahan lang po ang mga ito ng mga Manileño. Buwan-buwan ay obligado silang magbayad ng P2,000 hanggang P3,000 para sa isang bahay na hindi naman magiging kanila.
At ang masakit pa, iniwan tayo ng dating administrasyon ng P6.8 BILYON na utang para sa mga proyektong ito—isang utang na hanggang ngayon ay patuloy nating binabayaran. Nakalulungkot dahil mahigit isang libong residente lang ang nakinabang, habang milyon-milyon pang Manileño ang nangangailangan ng tunay na permanenteng tirahan.
Sa ilalim ng ating pamamahala, inuuna natin ang mga programang TAPAT AT TOTOO, at siguradong makikinabang ang lahat. Hindi lamang pansamantala, kundi pangmatagalang solusyon ang binibigay natin sa ating mga Manileño dahil naniniwala po tayong ang bahay ay hindi dapat upahan lang, kundi dapat ariin. (ANDI GARCIA)