Advertisers

Advertisers

2 tulak timbog sa higit P1.4m droga

0 9

Advertisers

Timbog ang dalawang tulak ng illegal na droga at nakumpiska ang mahigit P1.4 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City.

Kinilala ni Acting Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals ang mga suspek na sina alyas “Kuya”, 44; at alyas “Jojo”,52, kapwa residente ng lungsod.

Sa report, 3:53 ng madaling araw nang arestuhin ng mga operatiba ng SDEU ang mga suspek sa Brgy. 188 ng lungsod.



Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 206 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P1,400,800.00 at buy bust money.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Beth Samson)