Advertisers
Kalaboso ang 22-anyos na tattoo artist sa panggagahasa sa 16-anyos na kliyente sa Marulas, Valenzuela City.
Sinilbihan ng Valenzuela City Police ng arrest warrant ang suspek na nagpapalipat-lipat ng lugar sa Valenzuela City at Quezon City para magtago.
Nangyari ang insidente noong Agosto 2022 ngunit nakapaghain lamang ng reklamo ang biktima laban sa dalawang suspek noong Hunyo 2023.
Sinabi ni Valenzuela City Police chief Police Colonel Nixon Cayaban na ang biktima ay regular client ng suspek.
“Itong biktima isa sa mga customers niya lagi. So after that siguro nagkaroon ng hindi inaasahang kwan, parang ‘yun nga, na-rape. At sabi parang gang rape pa. So nag-push through maisampa ang kaso,” ani Cayaban.
“Itong accused naman siguro, hindi niya inaasahan at nabuntis pa itong biktima,” dagdag pa.
Itinanggi naman ng suspek ang alegasyon laban sa kanya na nga-yon ay nasa kustodiya ng pulisya.
Naaresto rin ng pulisya ang isa pang akusado sa insidente.(Beth Samson)