Advertisers
SUGATAN at kasalukuyang ginagamot sa Dela Salle University Medical Center ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) nang pagbabarilin ng dalawang salarin sa Brgy. Paliparan 3 sa lungsod ng Dasmariñas, Cavite nitong Martes, January 21, 2025.
Kinilala ang biktima na si Police Staff Sargeant Elmer Belaro, 42-anyos, nakatalaga sa Infanta Municipal Police Station sa Quezon, habang ang mga salarin nakilalang sina alyas “Kerby” at alyas “Adrian”, mga nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing lugar.
Sa ulat sinamahan para tulungan ng biktimang si Sgt, Belaro ang kanyang kaibigan na si alyas “Joboy”, na nawalan ng mga alagang kambing at manok at itinuturong responsable sa pagnanakaw ang suspek na si “Kerby”, na dumating sa lugar kasama si “Adrian” at agad bumunot ng ‘di pa tukoy na ng baril at pinaputukan ng sunod sunod ang biktima na nasugatan sa kanyang hita.
Mabilis na tumakas ang dalawang suspek patungo sa direksyon ng San Pedro, Laguna.
Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong Frustrated Murder na tinutugis na ngayon ng mga otoridad.(Koi Laura)