Advertisers

Advertisers

5-anyos minolestiya ng Bgy. tanod sa b-day party

0 18

Advertisers

Arestado ang 67-anyos na lalaki sa panghihipo sa isang 5-anyos na babae sa mismong birthday party nito sa Navotas.

Sa ulat, nangyari ang insidente noong Oktubre 2024.



Inaresto ang akusado nitong Miyerkoles sa bisa ng warrant of arrest.

Ayon sa pulisya, dating barangay tanod ang akusado at nangyari  ang krimen sa birthday party  mismo ng biktima.

“Yung suspect, siya ‘yung katulong sa pag-aayos ng tent para sa kaarawan ng biktima. Noong mga ala-una ng madaling araw na, habang naglalaro ‘yung bata nilapitan ng suspect, binuhat at kinalong sa kaniyang binti. And then ayon sa salaysay ng bata hinawakan ‘yung maselang bahagi nito,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Randolf Asuncion, Navotas Assistant Chief of Police for Administration.

Ayon sa salaysay ng bata sa pulisya, inulit pa umano ng akusado ang panghihipo hanggang sa makita sila ng ina ng biktima.

“Noong nakita ng nanay is tinawag ‘yung bata para umuwi na sila. At pag-uwi nila, tinanong ng nanay kung ano ‘yung ginawa sa kaniya at isinalay ng bata na ‘yun daw ang ginawa ng suspek,” sabi pa ni Asuncion.



Depensa ng akusado, nakapatong noon sa hita ng bata ang cellphone habang naglalaro ito, hanggang sa nahulog ito.

“Kinuha ko, nilagay ko rito. Akala siguro ng nanay ng bata, may ginagawa ako doon sa bata pero wala… Hindi naman kasi totoo ‘yung binibintang sa akin. Ang mga kalaro nu’n, mga apo ko rin,” sabi ng akusado.

Nahaharap sa reklamong acts of lasciviousness ang akusado, na nakabilanggo na ngayon sa Navotas Police Station. (Beth Samson)