P2.3B ilalaan ng City Gov’t ngayong taon para sa P17.8B utang na niwan ni Isko – Mayor Honey
Advertisers
IBINUNYAG ni Mayor Honey Lacuna na ang city government ay maglalaan ng P2.3 billion ngayong taon bilang bahagi ng kabayaran sa kabuuang utang na P17.8 billion na iniwan ni dating mayor Isko Moreno nang umutang ito sa dalawang bangko na nagkait sa mga Manileño ng kailangang-kailangan na ayudang pinansyal.
“Binubuno ng bawat taxpayer at residente ng Maynila ang pagbabayad sa higanteng utang na walang pakundangang ipinasa sa atin ni Isko Moreno. Isinadlak nya ang lungsod sa mas kaunting gamot, mas kaunting education allowance, mas kaunting tuition subsidy at mas kaunting senior’s allowance. Hindi niya inisip ang mga Manileño noong umutang siya ng P17.8 billion sa mga bangko. Ang mahalaga sa kanya noon ay may maipagmayabang siya para sa kanyang ambisyong maging Presidente,” sabi ni Lacuna.
“These contractual obligations of P2.3 billion debt servicing this year is a huge drain on our resources. The principal due this year is P1.196 billion while the interest is P1.114 billion. Total amount due this year is P2,311,197,744.00”, bunting hiningang sinabi ng lady mayor.
Ang mga utang ni Moreno ay mula sa Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines noong 2020 at 2022.
“Dahil contractual obligation, no choice tayo kundi bayaran. No choice din tayo kundi maging masinop sa pagba-budget. We could have used those funds for increasing spending on social welfare, education and public health. But Francisco Domagoso chose to and forced the city government into huge debt payments for up to 20 years. His gross lack of understanding and incompetence in financial management handicapped the ability of Manila mayors for 20 years. That affects seven mayoral terms,” malungkot na pahayag ni Lacuna.
Ayon sa alkalde, ang P2.3 billion na mauuwi lang sa utang na minana niya kay Isko at mas malaki pa sa kabuuang budget ng lungsod para sa edukasyon.
“It is also greater than the P1.568 billion budget for economic services and greater than the P1.45 billion for the operating budgets of our six city hospitals,” giit pa nito.
“This year’s debt servicing cost is more than double the P1.069 Development Fund for medicines and medical, dental and laboratory expenses. It is also almost double the calamity fund of P1.247 billion,” dagdag pa ni Lacuna.
“Because Isko Moreno does not know any better and remains clueless to the aggravated suffering he imposed on Manileños, he will inflict the same financial mismanagement on the city and the residents, if given the chance to take control again of city hall,” sabi pa ng alkalde. (ANDI GARCIA)