Advertisers

Advertisers

Sarah at Bamboo concert sa LA kinansela dahil sa wildfires

0 8

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

KINANSELA na ang concert sana nina Sarah Geronimo at Bamboo na gaganapin sana noong Biyernes, January 24 sa SABAN Theater sa Beverly Hills dahil sa Los Angeles wildfires. Bahagi ng statement ng organizer, “The decision was made to give ample time to everyone to recuperate from the devastating wildfires that engulfed the southern part of California.

Lahat naman daw ng nakabili ng ticket ay maaari pa ring magamit sa panibagong date na itatakda sa nasabing concert.



Samantala, tuloy pa rin naman daw ang March 2 concert ng dalawa sa Pechanga Resort Casino Temecula California kaya wala raw dapat ipag-alala ang kanilang mga faney.

Pinapahatid naman daw nina Sarah at Bamboo ang kanilang pagmamahal at pag-aalala sa mga naging biktima sa Southern California wildfires lalo na sa kanilang mga tagasuporta.

Hindi lang ito ang event na nakansela dahil sa wildfires, Matatandaang hindi na rin natuloy ang Manila International Film Festival na dapat sana ay magaganap nitong January 30 hanggang February 2 sa pareho ring kadahilanan, ang wilfdfires sa Los Angeles.

***

SUNUD-SUNIOD ang blessing na dumarating sa career ng aktor na si Seth Fedelin matapos manalo sa Breakthrough Performance award sa nakaraang Metro Manila Film Festival para sa pelikulang May Future You.



Hinangaan ang aktor ng mga kritiko at sinasabing may future raw si Seth sa larangan ng pag-arte. Naging controversial pa nga siya dahil tinalo pa raw niya si Aga Muhlach na hindi man lang na-nominate sa Best Actor sa nasabing taunang film festival.

Mas mapapatunayan pa ni Seth ang kanyang husay dahil malapit na ring mapanood ang seryeng “Nobody” na pagbibidahan nla ni Gerald Anderson.

Kasama rin serye ang kanyang ka-love team na si Francine Diaz. Pero kahit mainit pa ang FranSeth love team at kahit papaano ay may napapatunayan, wala umanong problema sa aktor kung dumating ang panahon na mabuwag na ang FranSeth.

Sa pagtahak in the future sa solo career bukod sa acting, gusto rin daw ng actor na mag-focus sa music.

Hindi alam ng iba na may talent din sa pagkanta si Seth. Sa katunayan, nakapag-record na rin siya ng kanyang single under Star Pop at Star Music

Maghiwalay man daw ang kanilang love team ni Francine, alam niya na susuportahan siya ni Francine.