‘Kalinga sa Maynila’ one-stop-shop center na – Konsi Bong Marzan
Advertisers
ISA si Konsi Bong Marzan, sa palagiang kasama nina Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo, at mga City Hall officials kapag umiikot ang programang ‘Kalinga sa Maynila’ sa Distrito IV para personal na dalhin ang City Hall sa tarangkahan ng bawat residente ng mga barangay na nilalapagan nito.
Dahil dito ay labis na ikinatuwa ni Marzan, isa sa anim na kandidato ng Asenso Manileño sa pagka-Konsehal sa Sampaloc district na ang dating lingguhang forum na umikot sa lahat halos ng barangay sa Maynila upang dalhin ang mga pangunahing serbisyo sa mga Manileño nang sa ganon ay ‘di na sila pupunta pa ng City Hall, ay magiging isang ganap na one-stop-shop center.
Ayon kay Marzan na kasalukuyang direktor ng Liga ng mga Barangay at Chairman ng Brgy. 497 ay nagsagawa na ng ground breaking para sa 10 palapag na Kalinga sa Maynila Center sa Paco Maynila, kamakailan sa pangunguna ni Lacuna, Servo at Cong. Irwin Tieng.
Nabatid pa na ang lahat ng serbisyong ipinagkakaloob sa weekly at kung minsan ay bi-weekly ng ‘Kalinga sa Maynila’ ay makukuha na rin sa nasabing center kapag ito ay naitayo na.
Matatandaan na sa bawat forum, dala ni Lacuna ang lahat ng pinuno ng iba’t-ibang tanggapan, kawanihan at departamento upang tumugon sa lahat ng tanong, reklamo at kahilingan mula sa mga residente nang ‘di na kailangan pang magpunta ng City Hall .
Maliban dito, mayroon ding mga stalls na inilalagay ang bawat tanggapan para mag-entertain ng mga residente sa kung ano ang kanilang kailangan. Mayroon ding job fairs,bukod sa libreng pet vaccinations, provision at renewal ng IDs para sa senior citizens, solo parents at persons with disability sampu ng kanilang medikal na pangangilangan, birth at death certificates, at iba pa
Nabatid na ang Kalinga sa Maynila Center ay may total project cost na ?973.3 million, kung saan ang Phase 1 ay nagkakahalaga ng ?400 million at ang Phase 2 naman ay nasa ?573.3 million, ang dalawa ay pinondohan mula sa city budget. Ang phase 1 ay target na matapos sa December 2025, habang ang bidding para sa Phase 2 ay naka-schedule sa February 2025.
Ipinaliwanag din ni Marzan para sa kaliwanagan din ng mga nagtatanong kung bakit ngayon lang sinisimulang itayo ang Kalinga sa Maynila Center.
“Base sa pahayag mismo ng ating butihing alkalde, Mayor Honey Lacuna-Pangan ay sininop muna niya ang pondo ng lungsod. Ang gusto po ng ating alkalde ay sa sariling sikap ang gagamiting panggastos at hindi ‘yung mangungutang pa na puwede naman pala,” ayon kay Marzan.
Inanunsyo din ni Marzan na ang mga weekly ‘Kalinga’ services na ipinagkakaloob ng administrasyon sa mga barangay ay ma-a-avail sa center sa araw-araw.
Matatagpuan sa 10-storey building ang mga tanggapan ng Senior Citizens Affairs Office, Youth Center, Crisis Center for Women and Children, Trabaho center, modern public library, Bahay ng Barangayan Center at multipurpose convention center pati na ang performance art theatre. (ANDI GARCIA)