Advertisers
LALO pang namayagpag si leading senatorial candidate na si ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo at patuloy na nanguna sa isang survey, na nagpapakita na hindi umubra ang kaliwa’t kanang pagbatikos at paninira laban sa kanya.
Batay sa resulta ng pinakahuling survey ng Oculum Research and Analytics sa huling bahagi ng 2024, patuloy pa rin nasa Top 1 at malaki ang lamang ni Cong. Tulfo laban sa mga katunggali niya sa darating na senatorial elections sa Mayo 12, 2025.
Lumitaw sa survey na isinagawa nitong Disyembre 16-22, 2024 na pito sa bawat 10 Pinoy ang boboto kay Erwin Tulfo matapos itong magtala ng 70.8% sa mga na survey na Filipino adults na nagsabi na siya ang iboboto sa darating na May mid-term elections.
Nasa malayong pangalawa lamang at pangatlong pwesto sina dating Senator Tito Sotto (52.3%) at Ben Tulfo (50. 1%)
Nasa ikatatlo hanggang limang pwesto naman si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. (49.2%) habang apat hanggang ika-pitong pwesto naman si Sen. Pia Cayetano (46.9%).
Nakatanggap naman si dating Sen. Manny Pacquiao ng 46.3% para sa ikaapat hanggang walong pwesto at ikalima hanggang walong pwesto naman si Sen. Bong Go (44.4%).
Ikaanim hanggang walong pwesto naman si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na may 43.8% voting preference.
Si Makati City Mayor Abby Binay (40.3%) naman ay nasa ika-siyam hanggang 11th place na sinundan nina Sen. Panfilo “Ping” Lacson (39.2%) at Las Piñas City Rep. Camille Villar (37.5%) na tabla sa ika-siyam hanggang 12 pwesto.
Ang television host na si Willie Revillame (36.2%) ay nasa ika-10 hanggang 12 na pwesto.
Humabol naman sa magic 12 si Sen. Imee Marcos (33.3%) na nasa ika-12 hanggang 14 spot, at former Sen. Lito Lapid (31.1%) na nasa 13th hanggang 15th spot.
Nabatid na ang naturang survey ay isinagawa gamit ang face-to-face methodology sa 1, 200 adult respondents.
Samantala, giit naman ng ilang mga netizen na iboboto pa rin nila si Erwin Tulfo kahit na binabatikos ito ng ilang grupo.
“Alam naman natin na tuwing eleksyon ganyan ang kalakaran, kung ano-ano ang lumalabas sa nangununang kandito. Pero karamihan naman walang basehan,” pahayag ng isang netizen.
“Nakita naman natin ang mga nagawa ng mga Tulfo sa ating bansa, kaya siya (Erwin Tulfo) ang iboboto ng mga pinoy,” komento naman ng isa pang netizen.