Advertisers

Advertisers

AGAP kabilang sa 2025 ‘top partylist candidates’

0 85

Advertisers

Kamakailan naglabasan ang mga resulta ng mga survey para sa 2025 ‘top partylist candidates’.

Isa sa mga namamayagpag sa 157 partylist organizations ang AGAP kung saan si Cong. Nicanor ‘Nikki’ Briones ang tumatayong first nominee ng nasabing grupo.

Base sa mga lumabas na resulta ng survey nakakuha ang AGAP ng #11 sa Tangere survey, #14 sa huling Social Weather Station (SWS) survey at #11 sa OCTA Research.



Ayon sa mga naturang survey firm na kung ngayon buwan gaganapin ang election kung saan mayroon 2.5% vote ang #117 AGAP partylist, makakuha ito na ng ‘two seat’ sa House of Representatives.

Isinasagawa ang Tugon ng Masa survey ng OCTA nang face-to-face interviews sa may 1,200 adult Filipinos simula noong November 10 to 16, 2024. Mayroon itong ±3% margin of error at 95% confidence level.

Ang mga subnational estimates buhat sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao na may ±6% margin of error sa parehong confidence level.

Isinagawa naman ang survey ng Tangere noong January 8-11, 2025, na ibinigay via mobile-based respondent application na may sample size na 2,400 participants (+/- 1.96% Margin of Error at 95% Confidence Level) gamit ang Stratified Random Sampling method (Quota Based Sampling), na ikinalat ito sa buong Pilipinas. At ang SWS survey isinagawa noong Dec. 12- 18, 2024 ng face to face.

At base sa mga voter preferences nagpakita ito ng malaking suporta sa #117 AGAP partylist upang iangat ang antas ng mga magsasaka para magkaroon ng sapat na pagkain ang mga mamamayang Pilipino.



Nagpapasalamat sila Cong. Nikki sa lahat ng mga sumusuporta sa AGAP.

Aniya, nakita ng pamilyang Pilipino sa naging resulta ng survey kung sino ang dapat suportahan partylist dahil mula pa 2007 at hanggang sa kasalukuyan nakikipaglaban ang AGAP.