Advertisers
Laro Ngayon
(Philsports Arena)
4 p.m. — Chery Tiggo vs ZUS Coffee
6:30 p.m. — Galeries vs Farm Fresh
PINAMUNUAN ni setter Kyle Negrito ang opensiba ng Creamline upang dudrugin ang malungkot na Nxled, 25-12, 25-21, 25-19, at manateling unbeaten in six games sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Martes sa Philsports Arena sa Pasig City.
Nagtala si Negrito ng 15 excellent sets para sa Cool Smashers sa isang oras at 35 minutong aksyon.
Ginamit ni Creamline head coach Sherwin Meneses ang lahat ng kanyang 12 players at nag-ambag ng iskor.
Bernadeth Pons umiskor ng 12 sa kanyang 13 points on kills habang nagdagdag ng 12 digs habang si Tots Carlos nagdagdag ng 10 markers,nine attacks kabilang ang game-winning down the line hammer off perfect backset dish mula kay Negrito.
“Happy that all the players are delivering whenever we field them. Of course, our purpose if to be able to use them in our future games. I guess it’s a blessing to Creamline to get these kinds of good wins,” Wika ni Meneses.
“At least, the players are showing strengths consistently.”
Skipper Alyssa Valdez may seven points,Lorie Bernardo, Bea De Leon at Jema Galanza lahat bumakas ng five points off the bench para sa Cool Smashers, na may 50 kills kumpara sa Nxled’s 26.
Nalasap ng Chameleons ang kanilang ika-anim na kabiguan sa kasing daming laro.
Limang players lang ang umiskor sa Nxled na pinamunuan ni Jaycel Delos Reyes’ seven points. Lycha Ebon, Almonte at Luna nag-ambag ng tig anim na puntos habang si Chiara Permentilla nalimitahan sa 3 sa two sets of aksyon.