Advertisers

Advertisers

POLICE GENERAL NA DAWIT SA DRUG RAID SA MAYNILA, NAKA SIBAT NA RAW?

0 22

Advertisers

9 mula sa 29 na pulis na kinasuhan kaugnay ng kontrobersyal na 990-kilo drug raid ang pinaghahanap pa ngayon ng pulisya.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, apat dito ang aktibo pa sa serbisyo, tatlo ang retired, isang resigned at isa ang dismissed from the service.

Kabilang sa 9 na hinahanap ang dalawang dating PNP generals.



Kinumpirma rin ni Fajardo na isa sa heneral ang nakalabas na ng bansa noong January 8 bago pa ilabas ng korte ang unang warrant of arrest kaugnay ng kasong paglabag sa Comrephensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Wala pa rin aniyang surrender feeler mula sa dalawang dating opisyal.

Sa ngayon, patuloy ang panawagan ng PNP sa mga sangkot na sumuko at harapin na lamang ang kanilang kaso sa korte.
@@@
Samantala umabot naman sa 2,765 mula sa 5,457 na mga pulis ang naparusahan matapos masangkot sa iba’t-ibang kaso noong 2024.
903 sa mga ito kabilang ang ilang mataas na opisyal tulad ng lieutenant colonels, majors, captains at lieutenants, ang nasibak sa serbisyo.

Kasama sa iba pang parusa ang demotion, forfeiture of salary, reprimand, restriction at withholding of privileges.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, ipinapakita lamang dito ang kanilang dedikasyon na matanggal ang mga bulok na itlog sa kanilang hanay habang iginagalang ang due process.



Kasama rin sa mga ipinatupad na reporma ng PNP ang Internal Disciplinary Mechanism at Zero-Backlog Program upang labanan ang katiwalian.

Sinabi din ni Marbil na patuloy nilang itinataguyod ang serbisyo nang may karangalan at integridad para sa mamamayang Pilipino.

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.