Advertisers
Tiniyak ni acting House Appropriations Panel Chair at Marikina Representative Stella Luz Quimbo na ang 2025 national budget ay naaayon sa batas, balido at ganap na maipapatupad.
Pahayag ito ni Quimbo kasunod sa isyu ng umano’y “blank items” na nakapaloob sa 2025 General Appropriations Act.
Pinagtibay din ni Quimbo ang mga nauna nang ipinahayag ng Executive Secretary Lucas Bersamin, Department of Budget and Management, Liderato ng Senado, at mismong si Pangulo Bongbong Marcos hinggil sa napunang pambansang pondo ng pamahalaan ngayong taon.
Ipinunto din ni Quimbo, na ang enrolled General Appropriations Bill ay kumpleto at walang blangkong alokasyon sa higit 235 thousand line items.
Pinahintulutan din aniya ng Bicameral Report ang mga technical secretariat ng parehong kapulungan na magpatupad ng mga pagwawasto at pagsasaayos kung kinakailangan at hindi ito nakaaapekto sa integridad o legalidad ng badyet.
Nang lumagda ang mga miyembro ng Bicameral Committee sa report ay lahat ng appropriations ay tukoy at aprubado.
Tinawag naman ni Quimbo na ‘politically motivated’ ang mga patuloy na pumupuna sa budget at sa mga pilit itong hinahaluan ng isyu.
” When the members of the Bicameral Committee signed the report, all appropriations had already been determined and approved no changes were made,” pahayag ni Quimbo.
Nanawagan naman si Quimbo na hindi na dapat palakihin pa ang isyu at dapat tutukan na lamang ang mahahalagang isyu lalo na ang mga hamon na kinakaharap ng bansa partikular ang pangangailangan ng ating mga kababayan.
Nagtatanong din ang taongbayan kung bakit ngayon lang nagbigay ng pahayag ang mambabatas sa media para linawin ang isyu sa ” blank items” matapos ang ilang araw na pag-iwas sa mga mamamahayag.
Bakit?
Di pa ba tapos ang scripted explanation nito patungkol sa kontrobersiyal Bicam Report?
Sa totoo lang,mas mabuti pa sigurong di na nagpaliwanag itong si Congw.Quimbo dahil mas dumami pa ang mga nagsulputang mga tanong kesa sa kasagutang hinahanap ng mamamayan.
Ika nga,lalong nagkabuhul- buhol ang mga pangyayari sa magkakaibang pahayag ng Malacanang,Senado at Kongreso.
Una ang sabi ni Marcos Jr. ay isa itong fake news pero parang biglang umurong ang.dila ng Presidente at nabusalan ang bibig sa sobrang katahimikan sa ngayon.
Maging si Senate President. Chiz Escudero ay lumalabas na rin ngayong. sinungaling sa pagsasabing wala itong nakitang blangko sa Bicam Report taliwas sa mga naging pahayag at pag- amin ni Quimbo.
Sus ginoong mga mambabatas ito,puro sinungaling at manloloko!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com