Advertisers

Advertisers

Jennylyn inalala ang pagiging extra kina Lloydie at Bea

0 25

Advertisers

Ni Beth Gelena

MAY madamdaming tribute si Judy Ann Santos para kay Gloria Romero.

Sa Instagram account ng aktres ay nagpost siya ng pasasalamat sa lahat ng magagandang memories nila ng late veteran actress.



Aniya, “Thank you for the beautiful memories tita gloria.. hindi ko makakalimutan ang mga akap mo, paghawak mo sa kamay ko pag tawang tawa ka, paghaplos mo sa mukha ko… at ang napaka amo mong mga ngiti.. fly high tita gloria.. our industry will forever be grateful to you.”

***
JENNYLYN NAGBALIK-TANAW NG MAGING EXTRA KAEKSENA SI JOHN LLOYD

NAGBALIK-tanaw si Jennylyn Mercado nung time na isa siyang extra sa John Lloyd at Bea Alonzo sa kanilang Kapamilya TV series na Kay Tagal Kang Hinintay.

Sa pagiging extra nagsimula ang showbiz career ng Kapuso aktres.

Sa vlog ng Kapuso Ultimate Star, nag-reflect ang first TV role niya sa ABS-CBN drama series Kay Tagal Kang Hinintay noong 2002 hanggang 2003 kasama pa sina Lorna Tolentino, Edu Manzano, at Shaina Magdayao.



Ayon kay Jen, ang eksena nila JLC ang nagmarka sa kanya to her television debut, even before she joined StarStruck.

Deklara niya, “‘Yung eksena namin ni John Lloyd, ito ‘yung pinakauna kong guest appearance sa TV. Wala pa ako sa StarStruck noon.” “So parang ang Tita Becky (Aguila, talent manager) ang sabi lang e, kailangan ng kaeksena ni John Lloyd.”

“Akala ko naman extra lang ako, maglalakad lang ako ganyan tapos mag-hi or nabangga lang. ‘Di ko naman alam na pagseselosan pala ako ni Bea dito with English lines,” natatawa niyang sabi.

Hindi niya akalain na after ng ilang taong lumipas ay muli niyang makakatrabaho ang aktor sa isang pelikula ng Star Cinema, 2016 sa romantic-comedy film Just The 3 Of Us.

Aminado aiyang na-pressure nang malamang si Lloydie ang makakatrabaho, “Hindi rin ako nagi-expect ng kahit ano pero siyempre ‘yung mga ginawa niyang pelikula puro blockbusters so nakakatakot baka hindi ko mapantayan.”

“Medyo matagal po talaga akong nakakapag-adjust, hindi lang sa set, sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.”

Despite the challenges, na-prove ni Jen sa sarili na isa siyang aktres sa mga award na natanggap.

Nag-umpisa bilang extra na ngayon ay timatawag ng Ultimate Star.

Opppsss… speaking of John Lloyd Cruz, matagal nang hindi nagpaparamdam ang aktor sa industriya.

***

DINGDONG KINAALIWAN SA PAG AUTOGRAPH SA TSITSIRYA

Kinaaliwan ang viral video ni Dingdong Dantes hanang nagau-autograph sa isang tsitsirya.

Ibinahagi ng aktor/host kung saan makikitang sinalubong siya ng kanyang mga tagahanga.

Isa sa mga ito ay may hawak ng Tsitsirya na kapangalan ng aktor na kadalasang nagagamit sa mga meme online.

Inabot ng fan kay Dingdong para magpa-autograph at masaya namang pinaunlakan ito ng aktor.

Hirit pa ni Dingdong sa comment section ng kanyang Facebook reel, “Signature over printed name ulit.”

Naghatid ng saya sa social media ang ginawa ng aktor.

Umani ng libu-libong reactions at shares ang naturang video, patunay na talagang mahal ng publiko ang Kapuso akor hindi lamang bilang isang aktor kundi bilang isang personalidad na marunong makisama at magpahalaga sa kanyang fans.