Advertisers
NAPAPANSIN ko lang sa mga naglalabasang survey para sa senador, mga “row poor” or mahihinang klase ang mga nangunguna, ang mga pasok sa Top 12.
Oo! Kung totoo ang mga survey na ito, masasabi kong hindi parin natototo sa pagpili ng mga tamang kandidato ang marami sa ating kababayan. Very bad!!!
Dapat matalino na tayo sa paghalal ng mga opisyal natin sa ating gobierno. Hindi puede yung porke’t sikat na artista, komedyante, boksingero ay iboboto na natin.
Ang kongreso ay trabaho ng mahusay ang pag-iisip, mataas ang pinag-aralan, may alam sa pagpanday ng batas at higit sa lahat malawak ang pag-iisip sa pagresolba sa mga problema ng bansa. Mismo!
Ang kongreso ay hindi entertainment. Ito ay seryosong trabaho. Kaya ang dapat maluklok dito ay seryoso din. Opo!
Resibo: Ang mga artistang nahalal na sa politika ay hindi naging epektibo, walang boses, nagkakalat lang, inaasa sa consultants ang mga trabaho na dapat sila ang bumabalikat. Mali ito!
Dapat sa sarili mong puso’t damdamin nagmumula ang ginagawa, hindi sa dikta ng sulsultants!
Opo! Matoto na tayo sa pagpili ng tamang kandidato. Mga nakapag-aral narin naman tayo, ibig sabihin ay alam natin ang tamang tao para magkinatawan sa atin sa Kongreso.
Tandaan: Ang trabaho ng isang kongresista at senador ay ang magpanday ng batas, hindi ang sumayaw, magpatawa, magboksing at tumambling-tambling. Ang kailangan sa trabahong ito ay abogado, certified public accountant o nagtapos ng public administration. Mismo!
Totoo!!! nakasaad sa ating Saligang Batas na basta’t marunong magbasa at magsulat, isang Filipino citizen, nasa tamang edad ay puede nang kumandidato. Pero por diyos por santo, sa panahon ngayon ng kompyuter, hindi na obra ang porke’t marunong ka nang magbasa at magsulat ay puede nang maging kongresista o senador…
Tingnan ninyo ang mga iniluklok n’yong artista, karamihan sa kanila ay nagkakalat sa sesyon, na sa totoo lang ay sueldo at komisyon sa projects lang ang inaantay. Mismo!
Sa muli, since tatlo at kalahating buwan pa naman bago ang eleksyon, timbangin ninyong mabuti ang mga kandidato lalo sa congressman at senator. Ito’y trabaho ng matatalino, hindi ng payaso. Tandaan!
***
Tama ang naisip ni PNP Chief, General Marbil, na baguhin ang istraktura ng command ng Philippine National Police (PNP) na aniya’y kinopya lang sa military.
Dapat aniyang bigyan ng power ang mga field commander para sa mabilis na aksyon, hindi iyong kukuha pa ng order sa itaas na dahilan ng mabagal na pagresponde sa mga emergency cases.
Sang-ayon tayo sa naisip na ito ni Gen. Marbil. Mabuhay ka, General!!!