Advertisers

Advertisers

3 higanteng job fairs sabay-sabay na inilunsad sa Maynila – Mayor Honey

0 15

Advertisers

LIBO-LIBONG mga unemployed na m Manileños ay mayroon ng trabaho matapos na ilunsad ng sabay-sabay ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang tatlong higanteng job fairs nitong Biyernes, January 31.

Binati ni Mayor Honey Lacuna ang mga residente ng lungsod na pawang mga newly-employed na hired on the spot sa tatlong job fairs na inilunsad sa pakikipagtulungan ng public employment service office (PESO) sa pamumuno ni Fernan Bermejo at iba’t-ibang public companies na patuloy na sumusuporta sa kanyang administrasyon sa nasabing job fairs

Ayon kay Lacuna,ang tatlong job fairs ay layuning magbigay ng trabaho sa mga naghahanap nito.



Pinasalamatan ng alkalde ang mga esrablisiyemento na nakilahok pati na ang Department of Labor and Employment – National Capital Region at DOLE-NCR Manila Field Office sa kanilang suporta.

Ang tatlong malalaking job fairs na binuksan sa publiko ay ang mga sumusunod: “TRABAHO SA BAGONG PILIPINAS JOB FAIR” na ginawa sa Rizal Memorial Coliseum, P. Ocampo St., Malate, Manila; “KALINGA SA MAYNILA PESO JOB FAIR” na ginawa mula alas- 8 ng umaga hanggang 12 ng tanghali sa panulukan ng Escoda at A. Linao Streets , Paco, Manila at ang “MEGA JOB FAIR” na ginawa sa Arroceros Forest Park , Lawton, Ermita, Manila, mula alas-10 ng umaga hanggang alas- 3 ng hapon.

Sa Rizal Coliseum, isang TESDA skills demo at free training ang isinagawa, kasabay ito ng one-stop-shop pre-smployment documentation and advisory services.

Tiniyak ng lady mayor sa mga Manileño na ‘di pinalad na matanggap sa tatlong job fairs na wag mawalan ng pag-asa dahil patuloy ang kanyang administrasyon ng pagsasagawa ng mga job fairs

Pinapayuhan ang lahat ng aplikante sa bawat job fair na magsuot ng casual attire, magdala ng sariling ballpens at magdala ng hanggang sampung kopya ng resume. (ANDI GARCIA)