Advertisers
Talagang pang entertainment lang ang pagkakuha ng Lakers sa dayunyor ni LeBron James.
Inamin mismo ni Coach JJ Reddick na nailagay niya sa alanganin si Bronny James nang ipasok niya bago matapos ang 1st quarter sa game nila vs. 76ers. Inuna pa niyang ginamit ang panganay ni LBJ kaysa sa shooter na si Dalton Knecht o sa defensive specialist na si Cam Reddish. Kesyo for energy daw. Hayun pinaglaruan ni Tyrese Maxey ang bata. Responsable rin si Bronny sa ilang turnover habang nasa loob siya. Hayun at naitabla nina Eric Gordon ang score. Yun na rin momentum ng Philadelphia sa 2nd Q para lumamang at lumayo sa purple and gold.
Tapos sa next game kontra sa kulelat na Washington ay pinakaro na naman ang rookie na anak ni LeBron. Bagama’t nanalo ang Los Angeles dito ay hindi rin maganda performance ni junior. 1 out of 6 ang field goal, 0 sa 2 attempt sa tres, 2 rebounds at 2 assists sa 12 minutes na playing time.
Pang aliw lang ng tao at accommodation sa superstar na ama. Nothing more.
***
Alam ninyo bang may magandang naidulot ang pandemic shutdown noong 2020 sa career ng 2x World Jujitsu champ na si Kimberly Anne Custodio?
Opo dahil nasa bahay lang si Kimberly at kanyang dyowa ay buong araw sila nageensayo sa bahay. Nagsilbing trainer at sparring partner ang kanyang mahal sa panahong iyon. Naibuhos nila ang kanilang oras sa paboritong martial art.
Noon namang 2nd gold niya ay may shoulder injury siya na natamo dalawang linggo bago ang torneo. Nagdesisyon sila na ituloy at nag-iba na lamang ng taktika. Nagulat ang mga katunggali sa bagong istilo kaya siya pa rin nagwagi sa dulo.
Yan at iba pang kwento ang naibahagi ng ating espesyal na bisita noong Lunes sa OKS@DWBL.
Maaari pa ninyo matunghayan ang buong panayam sa DWBL 1242 o sa ating Facebook page. Pwede rin mapanood ang episode sa YouTube na itintaguyod ng Biofresh anti-microbial socks at underwears.
***
Pasok pa rin sa mga senatorial surveys si Manny Pacquiao kahit wala siyang TV commercial o media exposure gaya ng mga ibang nasa Magic 12.
Umukit na kasi si Pacman ng sariling puwesto sa ating kasaysayan. Yung pagiging 8x world boxing champion ay sapat ng popularidad na kailangan sa ganitong halalan.
Oo kahit kapos siya sa mga nagawa kung ikumpara sa mga kasamahan sa Senado
Ganyan bumoto ang mga Pilipino eh.