Advertisers

Advertisers

GALING NI GEN. LUCAS MASUSUBOK VS TIWALING POLICE OFFICIAL

0 1,414

Advertisers

LANTARANG basbas ng “mapagpalang kamay” ng malalaking pulitiko, pulis at mga government official sa mga sindikatong sangkot sa illegal vices at paihi/buriki sa lalawigan ng Batangas, Cavite at iba pang bahagi ng CALABARZON kaya’t di mabuwag-buwag ng mga awtoridad ang operasyon ng mga ito.

Ang kabiguan ng PNP Region 4A na sawatain ang malaganap na vices at paihi/buriki operation sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ang lubhang nakakaapekto sa liderato ni Region 4A PNP Director BGen. Paul Kenneth Lucas.

Malas na lang ni Gen. Lucas pagkat may lima itong provincial director na sa wari’y hindi ganap na nakikipagtulungan sa kanya upang lipulin ang mga kailegalan sa kani-kanilang hurisdiksyon?



Katunayan nito, ang lalawigan ni Batangas Hermilando Mandanas ay pinuputakte ng halos lahat na uri ng kailegalan. Nasa Batangas na yata halos ang lahat ng uri ng iligal.

Lalo pang tumindi ang mga operasyon ng vices, paihi at iba pang uri ng labag sa batas na negosyo kasunod ng pag-upo sa pwesto ni Batangas PNP OIC Provincial Director Jacinto Malinao Jr?

Mismong ang Kamara na ang nagbunyag na ang CALABARZON ang may pinakatalamak na operasyon ng STL bookies sa bansa, ngunit sa kabila ng pagbubunyag na ito, dedma pa rin si Batangas PNP OIC Provincial Director Col. Jacinto Malinao Jr. laban sa mga operator ng ganitong uri ng ilegal na pasugal.

Aminado naman si Gen. Lucas sa ginanap na pagdinig ng Committee on Drugs and Public Order na pinamunuan ni Laguna Representative Dan Fernandez na hindi makakayang sawatain ang operasyon ng naturang mga ilegal na pasugal kung hindi makikipagtulungan ang mga lokal na opisyales at iba pang mga government official.

Bagama’t hind natalakay sa Kamara ang mala cancer ding operasyon ng fuel theft na lalong kilala sa paihi/buriki ay hayag naman na ang marami sa mga financier/operator nito ay nasa PNP Region 4A.



Isiniwalat ng mga opisyales at miyembro ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) na isang aktibong PNP official na kasalukuyang humahawak ng sensitibong pwesto sa Batangas PNP Provincial Police Office ang financier ng sindikatong paihi/buriki na nag-ooperate sa Brgy. Banaba West Bypass Road at Brgy. Banaba South By pass Road kapwa sa Batangas City.

Ito ang dahilan kung bakit hindi maaresto ng mga miyembro ng Batangas City Police ang mga umaaktong dummy ng naturang police top brass na sina alyas Rico Mendoza, Etring Hidalgo alyas Etring Payat at Efren.

Ang naturang police officer ang “tagasalo” sa mga drug pusher din na sina Mendoza, Hidalgo at Efren sa tuwing sinasalakay ng ibang unit ng kapulisan at maging ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pinagkukutaan ng mga nasabing ilegalista.

Protektado din ng nasabing commissioned police officer ang paihi/buriki operator na si alyas Balita na may paihian/burikian sa compound ng beach resort sakop ni Bgry. Simlong Chairman Rufo Caraig ng naturang ding lungsod.

Libu-libong litro ng krudo, diesel, gas at malaking kantidad ng Liquefied Petroleum Product (LPG) ang ibinibenta ng kakutsabang tanker at capsule driver mula sa Shell Refinery Depot ay iniimbak ni Balita sa mga ICB at LPG tank at ipinadedeliber sa mga motor boat sa Brgy. Balatero, Puerto Galera, Oriental Mindoro tuwing gabi.

Ang naturan ding police top brass ang protektor ng mga pergalan (peryahan na pulos sugalan) na inooperate nina Onad at Rommel sa mga barangay ng Talisay, Sabang, kapwa sa Lipa City at sa tabi ng Sto. Tomas City Public Market, Boyet sa Brgy. Pansol, Padre Garcia, Janog sa bayan ng Tuy, Cedie sa Brgy. Bilaran sa bayan ng Nasugbu, Arnel sa Brgy. Dacanlao sa bayan ng Calaca at iba pa.

Ilang buwan pa lamang na humahawak ng key position ang naturang official ngunit hayag na tumabo na ito ng ng bilyones na salapi sa pagiging paihi/buriki operator at sa laki ng lingguhang tongpats o intelhencia na nakikikil nito sa mga ilegalista.

***

Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144