Advertisers
Paging PNP Spokesperson at Police Region 3 Director, Brig. General Jean Fajardo.
Patungkol ito sa dalawang gambling operators na nasa AOR ni Gen.Fajardo na protektado umano ng isang high ranking NAPOLCOM official.
For sure madam general, pamilyar sayo ang dalawang kupaling ito dahil kaaalis lamang ng mga puwestong PASUGALAN nitong sina LOUIE at POLENG dyan sa lalawigan ng Pampanga kung saan located ang Camp Olivas na punung tanggapan mo.
Nasa bayan na ngayon ng Balagtas, Bustos at Bulacan, Bulacan ang mga pergalan ng mga kupal na ito na sinasabing protektado at pini- finance ng isang kupalin ding NAPOLCOM official.
Duda tayo kung KASOSYONG- LAWAY nga lang ba talaga nina LOUIE at POLENG ang hindot na opisyal.
Maugong kasi Gen.Fajardo na bahag ang buntot ng mga kapulisan ng Bulacan PNP at ng mga mismong tauhan mo dyan sa PNP Regional Police Office 3 dahil na rin sa impluwensiya ng sigang NAPOLCOM official na protector nitong sina LOUIE at POLENG.
Ipinagmamalaki pa umano ng dalawang kupal na ito ang payolang ipinagkakaloob umano sa tanggapan mo Gen.Fajardo na umaabot ng daang libong piso linggu- linggo.
I’m sure ide- deny mo ito Gen. Fajardo ma’am.
Kilala naman kita Gen.Fajardo ma’am at alam kong walang katotohanan ang ipinagyatabang ng dalawang gambling operators na ito.
Baka naman puwedeng mong turuan ng leksyon na wag maging masyadong matabil at mayabang.
Pati kasi inteligensiya para sa opisina mo Gen.Fajardo mina- Marites.
Hindi maganda yun, di po ba madam general?
Bukod sana sa ipahuli mo at ipasara ang mga pasugalang ito nina LOUIE at POLENG dyan sa Balagtas, Bustos at Bulacan, Bulacan, patikimin mo ng kulong itong dalawang kupaling ito na direktang bumababoy sa malinis mong pangalan General Fajardo ma’am!
Walang respeto at takot sa inyo Madam General Fajardo!
Marahil dahil babae kayo, iniisip ng mga kupal na sina LOUIE at POLENG na tolongges kayo at madaling paikutin.
Sampulan mo nga Madam General.
Speaking of Gen. Fajardo, alam natin na “hands on” ito sa iba pang importanteng mga kaganapan dyan sa Central Luzon partikular na sa hindi mamatay- matay na presensiya ng jueteng sa nasabing region na ina- attribute sa pamilya nina Governor Delta Pineda at Vice Gov. Lilia ” Nanay Baby” Pineda.
Titingnan natin kung hindi mamamalahibo itong si General Fajardo sa kamandag ng mga Pineda ng Pampanga.
Ang pagkakatalaga dito kay Gen.Jean Fajardo sa Central Luzon ay maituturing acid test sa career at integridad ng babaeng heneral.
May isyu rin ng political killings sa Pampanga na kasalukuyang dinidinig at iniimbestigahan ng Kongreso.
Malalaman natin ang tibay ng dibdib nitong si Gen Fajardo sa pagharap sa mga hamong ito.
Anak ng jueteng talaga!
Tingnan natin kung may ibubuga nga ba talaga ang lady general na pride ng PNP hierarchy?
Baka puro press release lang eh?
Hehehe!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com