Advertisers
Target ng mga naghain ng petisyon sa Korte Suprema kaugnay sa 2025 national budget ay patigilin ang operasyon ng bansa na bahagi ng kanilang planong destabilization.
Ito ang binigyang-diin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr sa isang panayam sa Cebu City.
Ayon sa Pangulo, walang ibang dahilan kung bakit hinamon ng grupo nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez sa SC ang 2025 national budget dahil nais ng mga ito matuloy ang kanilang destabilization na ginagawa.
Wala nang maisip na katwiran si Marcos Jr. at ang Presidential Communications Office (PCO) sa mga nagsulputang isyu ng korapsiyon laban sa administrasyong Marcos.
Ika nga,tunay na palubog na ng palubog ang barko ni BBM kung kaya’t isa- Isa nang tumatalon ang karamihan sa mga kakampi nitong mga congressmen lalo na at apektadong lubha ang pagtakbo ng mga mambabatas na ito ngayong 2025 midterm elections.
Isang pang dagok na maituturing laban sa administrasyong Marcos Jr. ay ang banta o ULTIMATUM na binitawan ng Philippine Military Academy (PMA) Alumni Association Inc.na binubuo ng kulang- kulang sa dalawang libong miyembro na direktang kumokondena sa talamak at GARAPALANG korapsiyon sa gobyernong ito.
Binigyan lamang ng 72 hours si Marcos Jr. ng PMA Alumni para itama ang baluktot at bulok na pamamahala nito sa pagharap sa malaking suliranin ng bansa.
Di nagustuhan ng mga retirado at aktibong miyembro ng kasundaluhan/kapulisan ang naging pahayag ni Marcos Jr. na isa-shutdown nito ang functions ng gobyerno sakaling paboran ng Korte Suprema ang hinaing na petisyon laban sa maanomalyang 2025 national budget na umaabot sa Php 6.3 trillion.
Tila gustong impluwensiyahan ni Marcos Jr.ang magiging desisyon ng SC sa naging pahayag na ito ng Pangulo.
Isang itong maituturing coersion or indirect threat (banta) sa kataas,- taasang hukuman (SC) ng PALASYO at ni Marcos Jr.
Kaya pa bang itama ni BBM ang mga buktot na kaganapan sa kanyang pamahalaan?
O sadyang tuluyan na itong guguho at bibigay?
Pati ang health condition ni Marcos Jr.ay kuwestiyonable na rn dahil marami ang nakakapuna na paitim nang paitim na ang mukha ng Presidente na posibleng indikasyon ng kidney problem nito at sumasailalim sa lihim na dialysis proceedure.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com