Advertisers

Advertisers

TARIPA SA RICE IMPORTATION PAGPAPABAGSAK SA LOCAL FARMERS!

0 2,136

Advertisers

Ito ang naging mensahe ni SENATOR IMEE MARCOS na ang pagpapababa sa RICE IMPORTATION TARIFF para sa pagtugon umano sa krisis ng bigas sa ating bansa ay pagpapalugmok ang kasasadlakan sa ating local rice production.

Sa ginanap na 2nd NATIONAL ASSEMBLY AND UNIFICATION SUMMIT ng PoLPHIL PARTY (PEOPLE’S PROGRESSIVE HUMANIST LIBERAL PARTY) nitong February 2 sa UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES BAHAY ALUMNI, QUEZON CITY ay naihayag ni SENATOR IMEE MARCOS ang hakbangin ng DEPARTMENT OF AGRICULTURE (DA) ay dadagsa ang imported na bigas dahil ibinaba ang taripa sa bigas sa 15 porsyento mula sa 35 porsyento.

Pinapalagay ng mga ECONOMIC MANAGER na ang pagbabawas ng taripa ay maaaring humantong sa pagbaba ng humigit-kumulang P5-P7 kada kilo ng bigas



Mga ka-ARYA.., sa kasalukuyan po ay ang VIETNAM ang nangungunang supplier ng bigas na 2.61 milyong MT ang kinukuha ng ating bansa; sinundan ito ng THAILAND na 416,185.19 MT ang inaangkat ng ating bansa; at PAKISTAN na ang inaangkat ng ating bansa ay 157,564.48 MT.

Gayunman ay paano makaaagapay ang FILIPINO FARMERS dahil pinayayaman pa natin ang VIETNAMESE at PAKISTANI samantalang pinupulubi natin ang ating mga magsasaka ayon kay SEN. MARCOS.

“Ngayon nag-iba naman hakbangin ang DA, ang dami-daming ipinalabas nitong presyo na may P29, may P39 at naglabas pa sila ng SRP (suggested retail price) na P59. Ang dami daming presyo na ipinalabas ay lalong nalilito ang konsumer at sinabi pa ng national food authority na ang aging stock ay nakahanda nitong ibenta sa mababang presyo , kakarampot lang yun nasa 300,000 tons lang yun”, saad ni MARCOS.., na inaasahang tataas pa ang importasyon ng bigas sa ating bansa sa 4.9 milyon MT sa 2025 dahil sa ‘mas maliit na pananim’ na inihahatid ng mga lokal na sakahan.

Ayon pa kay SEN. MARCOS ay maagrabiyado ang lokal na magsasaka mula sa tone- toneladang bigas na papasok ngayong taon habang ang mga magsasaka ay magsisimula pa lang mag-ani.., kaya kinatatakutan ang pagdagsa ng imported rice.

Sa ating bansa, ang palay ay karaniwang inaani tuwing Abril at Mayo ngunit ang eksaktong mga buwan ay nakadepende sa rehiyon at sa panahon.., na base sa datos ng DA, ang pagpapanatili ng bansa sa matatag na suplay ng bigas ay kailangan ang 3.83 milyong metriko tonelada sa pagtatapos noong 2024, sapat na upang masakop ang pagkonsumo sa loob ng 100 araw.



Binigyang diin ni MARCOS na malawak pa ang mga irrigable na lupain na hindi pa nagagalaw, na nagdudulot ng panganib sa produksyon ng bigas lalo na sa harap ng pabagu-bagong klima. Bagama’t may pondo ay mabagal ang paggasta ng NIA (NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION) na nagiging sanhi ng pagkaantala sa mga proyekto sa irigasyon.., na aniya ay kailangang gamitin ang pondo mula sa ibang bansa at climate change financing upang mapabilis ang mga proyektong makatutulong sa suplay ng bigas ng bansa.

Ang PolPHIL ay isang organisasyon ng kasalukuyan at dating mga punong kawani sa iba’t ibang antas ng gobyerno, mga manggagawang pangkaunlaran, mga tagapagtaguyod at tagabuo ng bansa na determinadong magdala ng pagbabago sa takbo ng lokal at pambansang kaunlaran.

Sa dagdag pangkaalaman.., ang PoLPHIL ay naorganisa ng mga personalidad na naglalayon ng magandang pagbabago sa larangan ng ating gobyerno na ang ilan sa mga kilalang personalidad na nagbalik-loob sa ating gobyerno ay sina RODOLFO SALAS na dating CHAIRMAN ng COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES at CHIEF ng NEW PEOPLE’S ARMY; BISHOP NILO TAYAG ng IGLESIA CATOLICA FILIPINA INDEPENDIENTE BISHOP at dating CO-FOUNDER ng KABATAANG MAKABAYAN; NILO DELA CRUZ dating URBAN GUERILLA CHIEF ng ALEX BUNCAYAO BRIGADE OF THE NEW PEOPLE’S ARMY (NPA); FR. EDICIO DELA TORRE na EX-ACTIVIST at POLITICAL PRISONER.., na ang mga ito ay kaagapay ngayon ng mga RIGHTIST ACTIVISTS para sa paghulma at ikaaasiste tungo sa progresibong paggo-gobyerno sa ating bansa!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.