Advertisers

Advertisers

‘SHABU LAB’… NA NAMAN!

0 20

Advertisers

MATAGAL nang tinapos ng gobyerno ang problema sa iligal na operasyon ng ‘Shabu Laboratory’ sa buong bansa.

Madalas laman ng mga balita ito noon kahit bago pa lamang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sinundan pa ng pagbuo ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) ng Philippine National Police (PNP).

Panahon ni PGMA nang mabuo ang PDEA ni General Avenido bilang unang hepe ng ahensiyang nito at [tila] si General Aglipay naman ang unang hepe ng PNP-AIDSOTF bago pa siya naging hepe ng PNP.



Maya’t-maya noong mga panahon na iyon ay may sinasalakay na ‘shabu lab’ ang PDEA at PNP-AIDSOTF pero paminsan-paminsan ay umeksena rin ang National Bureau of Investigation – Anti-Illegal Drugs Task Force (NBI-AIDTF).

Mula 2002 kung kailan nabuo ang PDEA o mula kay General Avenido hanggang sa pamunuan naman ang ahensiyang ito ni General Santiago ay ‘shabu lab’ ang nasasakote sa buong bansa.

Pagkatapos ng mga operasyon na iyon ay kumalat na ang impormasyon na wala nang ‘shabu lab’ kaya ang sumunod na laman ng mga balita noon ay mayroon mga iligal na droga ang nasasakote sa karagatan.

Ang iba naman balita patungkol sa iligal na droga na ito ay nasasakote sa mga pantalan at paliparan sa buong bansa na patunay na nawala na ang operasyon ng ‘shabu lab’.

Dumaan ang panahon ni PNoy, wala nang ‘shabu lab’! Pero masasabing dito naman nagsimula ang mga balita na may mga inaresto ang PDEA na kapwa nila operatiba maging mga tiwaling pulis na sangkot sa iligal na droga.



Noong panahon ni PRRD, wala pa rin ‘shabu lab’! Pero dito naman nagsimula ang pinasikat-todo na mga balita patungkol sa ‘pagbuwal’ ng mga hinihinalang tulak ng iligal na droga.

Biglang may sumabog sa lalawigan ng Cavite kung saan tumambad ang balita na isa itong ‘SHABU LAB’. Tanong: Alam kaya ito ng mga bata ni PBBM sa PDEA, PNP at NBI? Kailan pa mayroon ‘shabu lab’ diyan sa Cavite? Mayroon na naman…!

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com