Advertisers

Advertisers

Donnalyn ginawang oppa ang syotang si JM

0 22

Advertisers

Ni Archie Liao

VIRAL ang naging bonding ng magdyowang Donnalyn Bartolome at JM de Guzman sa kanilang trip sa Korea.

Kung dati ay nahihiya ang vlogger na mag-PDA kasama ang nobyo, ngayon clingy na siya at di nag-aatubiling i-kiss ang aktor bilang pagpapakita ng kanyang pagiging affectionate.



Sa YouTube channel ni JM, pumayag din ang aktor na sumailalim sa makeover na binalak ni Donna para ma-achieve ng una ang oppa look.

Ipinag-shopping din niya ang aktor para makumpleto ang Korean-inspired look.

Mismong si Donnalyn din ang nag-shave ng bigote ni JM at nag-asikaso ng facial nito para sa skin care routine nito.
Naging hands-on din siya sa pag-i-style ng suot ni JM hanggang sa pagdidirehe ng konsepto ng kanyang pose.

Bawat detalye rin ng transformation ay maingat na pinag-isipan ni Donnalyn upang masiguradong ma-achieve ang inaasam na Oppa look ng dyowa.

Ani Donna, siya raw ang nag-encourage kay JM na maging mas aktibo sa paggawa ng content lalo na sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit 700K followers.



Umani naman ng samu’t saring likes at paborableng reaksyon ang ginawang makeover ni Donna sa kanyang nobyo na aminadong hindi kumportableng binibihisan.

***

Gigi abswelto sa “TV ban issue”

SAMU’T sari ang naging reaksyon ng mga sawsawera at katkatera sa guesting ng singer-actress na si Gigi de Lana sa programang “It’s Showtime” recently.

Nag-appear kasi si Gigi bilang mystery singer sa segment ng show na “Hide and Sing.”

Hinulaan ng contestant ang naka-maskarang singer na bet niya bilang Regine Velasquez.

Nag-agree naman ang mag-ex na sina Martin Nievera at Pops Fernandez na ang misis ni Ogie Alcasid ang hinuhulaang masked singer.

Mali naman ang kanilang naging hula dahil ang tumambad sa kanila ay si Gigi nang mag-alis ito ng maskara.

Ito naman ang mga komento ng kibitzers sa nasabing development.

“So fake news ang iniskup ni Ogie D na banned sa TV si Gigi.”

“Ayos. Nagulat din ako. At least, abswelto sa ban issue si Gigi.”

“Feeling ko, nahilot na niya ang problema sa Star Magic.”

“Nice to see her back performing in It’s Showtime.”

“Sana, she makes frequent guestings na.”

“May follow up sana iyong series niya. She also shows promise in the acting department.”

Matatandaang naisyu noong banned sa TV si Gigi dahil umano sa mga raket nitong hindi ipinaalam sa Star Magic.

Bukas naman ang pahinang ito sa panig ni Gigi at ng Star Magic hinggil sa isyu.