Advertisers

Advertisers

CHILL HINDI KILL (Part 2)

0 22

Advertisers

KARUGTUNG ito ng nakaraan nating pitak hinggil sa pagmo-motor, patikular na sa lugar ng Marilaque kung saan napakarami nang namatay na motorista.

Narito ang ilan sa mga dapat gawin: Magpatupad ng Speed Limit na 50-70kph. Ito ang tamang bilis para sa isang chill ride. Hindi naman ito highway—ito’y mountain road na maraming blind curves, matarik na bangin, at unpredictable na weather conditions.

Pangalawa, Strict Enforcement ng Speed Limit.
Kasama ang LGU, PNP-HPG, at volunteer groups kailangang higpitan ang pagbabantay sa mga reckless riders at driver. Hindi ito overnight solution, pero kapag may hulihan at konsekwensya, siguradong mababawasan ang pasaway.



Pangatlo. Siguraduhing May Signal at WiFi sa Marilaque
Isa sa pinakamalaking problema ng Marilaque ay ang kawalan ng cell signal at internet connectivity. Hindi lang ito para sa safety, kundi para madaling matawagan ang emergency responders sa oras ng aksidente.

Mas madali rin ang pag-monitor ng enforcement agencies gamit ang CCTV at live reports mula sa mga rider at residente.

Pang-apat. Magtanim ng Law Enforcement Vlogger. Sa dami ng amateur vloggers na nagre-record ng kanilang rides, bakit hindi tayo maglagay ng “mystery vlogger” na bahagi ng law enforcement?

Makakasama ito sa mga grupo ng rider para makakuha ng agarang ebidensya sa mga pasaway at ipasa sa otoridad para sa enforcement.

Pang-lima.Maglagay ng Strategic Outposts. Dapat may mga permanenteng checkpoint at emergency response outposts sa mga critical areas para sa mabilisang pagresponde sa aksidente.



Dapat din itong may CCTV, radar speed guns, at radio communication systems para hindi na kailangang maghintay ng napakatagal bago may dumating na tulong.

Huwag Sisihin ang Kapulisan, Huwag Sisihin ang LGU—Ayusin ang Sistema!

Hindi natin pwedeng sisihin lang ang mga pulis o HPG na naka-assign sa Marilaque dahil sa totoo lang, kulang na kulang sila sa suporta. Napakalawak ng Rizal at iba pang sakop ng Marilaque, pero limitado ang bilang ng pulis na kayang i-deploy dito. Kulang sila sa tao, kulang sa gamit, kulang sa budget.

Ganoon din ang LGU—natural lang na natuwa sila dahil nag-boom ang tourism ng lugar dahil sa mga rider, at malaki ang kinikita ng hotels, restaurants, at gasoline stations. Pero hindi ba’t mas malaki ang kikitain kung ligtas ang Marilaque at hindi sumasama ang reputasyon nito bilang death trap ng mga rider?

Ang Marilaque ay isang riders’ paradise—pero huwag nating hayaan na maging riders’ graveyard ito. Ang solusyon ay nasa tamang sistema, disiplina, at pagpapatupad ng batas.

Dahil sa dulo ng araw, mas masarap ang ride kapag alam mong ligtas kang makakauwi.

LIFE IS A JOURNEY… ENJOY THE RIDE.

RIDE SAFE, MGA KAPATID!