Advertisers

Advertisers

Backlog ng Maynila sa housing inutos ni Mayor Honey na patuloy na tugunan

0 31

Advertisers

INATASAN ni Mayor Honey Lacuna kay Manila Urban Settlements Office chief Atty. Danny de Guzman na patuloy na tugunan ang backlog ng lungsod pagdating sa housing, kasabay ito ng pag-aanunsyo na marami pang landless residents ng lungsod ang tatanggap ng titulo sa mga darating na araw.

“Sa kabila ng dagok na kinahaharap ng ating lungsod pagdating sa budget, ang MUSO po ay patuloy na nagtatrabaho nang todo upang matugunan ang ating housing backlog.,” sabi ni Lacuna, kasabay ng kanyang kahilingan na unawain at suportahan ang katuparan ng mga programa ng kanyang admininistrasyon.

Ito ang pahayag ng alkalde matapos na katawanin siya ni Vice Mayor Yul Servo sa pag-a-award ng 171 ng mga lote sa ilalim ng Land for the Landless Program (LLP) ng pamahalaang lungsod.



Si Lacuna ay dumalo sa 2025 Open Government Partnership Asia and the Pacific Regional Meeting (OGP-APRM) sa pangunguna ni President Ferdinand Marcos, Jr.

Sa LLP awarding, ang mga beneficiaries ay ang mga sumusunod: third district – 20 awardees;second district – 13 awardees; fifth district – 132 awardees at sixth district – six awardees.

“Gaya ng lagi kong sinasabi, patuloy po nating isinusulong ang programang ito upang mas maraming Manileño ang magkaroon ng seguridad sa paninirahan,” pagtitiyak ni Lacuna.

Sa ilalim ng LLP, ang mga residente ang mga nakatira sa kanilang bahay, pero ‘di kanila ang lote ay magkakaroon ng pagkakataon na magmayari ng lupang kinatitirikan ng kanilang bahay.

Samantala, sinabi ni Lacuna na isang karangalan na magkasama niya sina President Marcos, Jr. at Budget Secretary Amenah Pangandaman at the OGP-APRM, sa isang pagtitipon kung saan nagsama-sama ang mga government reformers, civil society leaders at policy-makers mulaAsia and the Pacific, kasama ang mga global at regional partners, upang pag-usapan ang progreso ng mga pangunahing government initiatives at humanap ng paraan kung paano tutugunan ang pinakamahalagang usapin sa rehiyon.



“Dumalo po tayo rito upang pag-aralan kung paano pa mas mapapalakas ang partisipasyon ng Maynila sa mga OGP LGU projects. Ito po ang susunod na hakbang matapos nating makamit ang Seal of Good Local Governance Award noong nakaraang taon,” saad ng lady mayor.

Nagpahayag ng pagtitiwala ang alkalde sa kapasidad ng Maynila na maging isang modelong lungsod pagdating sa transparency, citizen participation and digital innovation.

“Lalo na ngayon na tayo ay kinikilala na bilang Plastic Smart City, Pangalawang Pinakamataas na Kompetitibong Lungsod sa bansa at may P3 bilyong budget surplus noong 2023. Patunay po ang mga pagkilala na ‘yan na may matibay na tayong pundasyon. Kailangan na lang nating palaguin pa ito sa pamamagitan ng mga OGP LGU projects,” pahayag nito. (ANDI GARCIA)