Advertisers
PORMAL na sinimulan ng Gilas Pilipinas ang kanilang preparasyon para sa third at final window ng FIBA Asia Cup 2025 qualifiers, nagtipon para sa brief training camp sa Inspire Sports Academy Pebrero 11, hanggang 12 bago lumipad patungong Doha, Qatar sa Huwebes Pebrero 13.
Overseas players AJ Edu, Kevin Quiambao at Dwight Ramos dumating na sa bansa Lunes ng gabi, para makasama sina PBA stars Scottie Thompson, Calvin Oftana, Jamie Malonzo, June Mar Fajardo, at CJ Perez para sa two-day practice.
Present rin sina Ginebra’s RJ Abarrientos at Ralph Cu sa camp para magbigay ng warm bodies para sa Nationals, at makapahinga si Justin Browlee at ang pagkawala ni Japeth Aguilar, na hindi makakasama sa Doha trip dahil sa personal matters.
Gayunpaman, nilinaw ni Gilas team manager Alfrancis Chua na si Abarrientos at Cu ay hindi bahagi ng team at kasama lang sa Inspire camp dahil sa kanilang pagiging pamilyar sa sistema ni Cone.
Kuwestiyonable pa rin na makasama si Troy Rosario na nagtamo ng swollen knee sa panahon ng nakaraang laban ng Kings at Meralco Bolts sa quarterfinals.
Hindi rin available sina Chris Newsome at Carl Tamayo para sa Laguna camp bagamat tiyak na kasama sila ng team sa Doha.
Si Tamayo ay lilipad diretso mula sa Korea to Qatar habang si Newsome ay manggaling sa Taiwan kung saan ang Bolts ay maglalaro sa EASL game laban sa New Taipei Kings ngayong Miyerkules, Pebrero 12.
Ang Laguna training camp ay umpisa palang ng hectic na schedule para sa Nationals patungo sa road games kontra Chinese Taipei sa 20th at New Zealand sa 23rd.
Ang Gilas ay nakatakdang makaharap ang Qatar 1:30 a.m. sa Pebrero 15 at Lebanon sa gabi 11 p.m. bago ang friendlies laban sa Egypt sa 1:30 a.m. sa Pebrero 17 ( Manila time).