Advertisers
Pinaslang at pinagnakawan ang 43-anyos na guro sa loob ng kuwarto nito sa Brgy. Tamao, Tayasan, Negros Oriental.
Kinilala ang biktima na si Taynaizan “Bata” Fausto, miyembro ng LGBTQIA+ community.
Sa report ng Negros Oriental Police, 2:00 ng hapon nang madiskubre ng kaniyang kapatid ang biktima na wala nang buhay sa kuwarto nito sa nasabing lugar.
Sa ulat, walang saplot sa kalahati ng katawan ang biktima at puno ng mga galos sa kaniyang katawan na hinihinalang pinahirapan muna ng salarin bago patayin.
Samantala, nabatid sa imbestigasyon na nawawala rin ang mga personal na kagamitan ng biktima bunsod upang maghinala ang mga awtoridad na pagnanakaw ang motibo sa krimen.
Sumisigaw naman ng hustisya ang pamilya at mga kaibigan ng nasawing biktima.
Nagsasagawa na ngayon ng masusing imbestigasyon ang Taysan Police para matukoy ang motibo ng krimen at maaresto ang salarin.