Advertisers
INUMPISAHAN ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. ang kampanya para sa kanyang tiket sa senador sa kanyang balwarte sa Ilocos Norte nitong Martes, kungsaan binira niya ang tiket ng mga kalaban na aniya’y may bahid ng dugo.
Say ni PBBM sa kanyang senatorial slate: “Wala sa kanila ang may bahid ng dugo dahil sa tokhang. Wala sa kanila ang kasabwat sa pagbulsa ng sako-sakong pera, pinagsamantalahan ang krisis ng pandemya, pinabayaan ang ating mga kababayan na magkasakit at mamatay… Wala sa kanila ang mga pumapalakpak sa Tsina! Wala po sa kanila ang tila sakristan ng isang bulaang propeta na nasasakdal dahil sa pagyurak sa ating kabataan at ating kababaihan. wala sa kanila ang tagataguyod ng pugad ng krimen.”
Pero binira rin si PBBM ng netizens, na sa tingin ko naman ay mostly trolls ng kanilang kalaban, na nakakaalam ng masamang rekord ng Marcos.
Oo! Batid natin na noong pangulo ng higit 20 taon ang ama ni PBBM ay naging diktador ito, naging talamak ang paglabag sa mga karapatang-pantao, maging ang kanyang “super ate” na si Senator Imee na noo’y lider ng kabataan ay inakusahan ng “murder” sa isang student leader.
Pero si PBBM ay binatilyo pa noon at maari ngang wala pang alam o inosente sa mga pinaggagawa ng kanyang mga magulang at ate Imee. Kaya naman may lakas ng loob siyang magsalita ngayon about human rights.
Kunsabagay, mayroon tayong sinasabi: “Ang gawain ni Juan at ‘wag ibentang kay Pedro”. Oo nga naman. Ang kasalan ng ama ay ‘di dapat isisi o isumbat sa anak lalo kung musmos pa ito nang mangyari ang mga kasumpa-sumpang ginawa ng magulang. Mismo!
Eh sino sa tingin ninyo ang mga partikukar na tinutukoy ni PBBM sa mga kandidato ng kalaban? Tingin ko ay sina “Bato” Dela Rosa na siyang nagpatupad ng madugong ‘Tokhang’ noong Chief PNP siya; si “Pastor” Apollo Quiboloy na nakakulong at nahaharap sa mga kasong rape, pang-aabuso sa kababaihan at sa mga dating tauhan niya sa kanyang “kulto”, dollar smuglling at iba pang high crimes na walang piyansa.
Eh sino-sino naman ang mga kandidato ni PBBM? Well, ang ilan sa kanila ay nasangkot din sa korapsyon at human rights violations.
Since sa Mayo 12 pa ang halalan, may 90 days pa tayo para timbangin at kaliskisan ang mga kandidatong ito. I’m paring na maging wise na tayo sa pagpili ng mga kandidato mula sa nasyunal hanggang sa lokal. Iwasan na ang pagboto ng mga sikat pero kulang sa sukat ng abilidad sa pagserbisyo sa bayan. Let’s save our country sa mga bugok na politiko na puros pangsariling interes lang ang wisyo! Okey?
***
Pinalawig ni Pangulong BBM ang termino ni General Rommel Marbil bilang Chief PNP na dapat ay nagretiro na last week.
Nagustuhan marahil ni PBBM ang trabaho ni Marbil. Okey?
Wala naman tayong masamang masabi sa heneral na ito. Pero ang mga “bata” niya ay notoryos sa pangingikil, protektor ng mga iligal, ng mga sindikato.
Oo! Kaya napakatalamak ng oil smuggling at paihi ngayon sa Batangas at Bataan ay dahil narin sa proteksyon ng mga opisyal ng PNP. Dapat alam mo ito, Gen. Marbil, Sir!
Tuldukan!