Advertisers
UMAPAW ang kagalakan mula sa nakaiindak na tugtugin nang salubungin at dagsain ng mga Pasayeño ang kanilang iniidolong ‘tunay na bida sa pelikula’, ang re-electionist senator na si Ramon ‘Bong’ Revilla , matapos ang isinagawang night motorcade sa ilang bahagi ng lungsod Pasay noong Pebrero 12,2025
Alas-3 ng hapon ay nag-aabang na sa isang malawak na bakanteng lote ang mga Pasayeño upang masilayan nila ang pagdating ng senador ngunit nagkaroon nang pagkaantala ang pagsisimula ng motorcade nang ito ay maipit sa kanyang pagdalo sa League of Municipalities of the Philippines (LMP) assembly sa Maynila.
Gayunpaman, hindi inalintana ni Revilla ang hirap at pagod dahil hindi nito binigo ang mga Pasayeno at supporters nang dumating pasado alas-7 ng gabi. Taos-puso namang nagpapasalamat si Revilla sa taong bayan sa mainit na pagsalubong sa kabila nang matagal na paghihintay sa kanya.
Kasama ni Revilla sa night motorcade ang kanyang may-bahay na si Cavite Rep. Lani Mercado.
Bukod sa taong bayan ay nagpapasalamat din si Revilla sa suportang ipinakita sa kanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa pagbuo ng isang alyansa para sa Bagong Pilipinas na naglalayon ng pagkakaisa.
Tiniyak ni Revilla sa publiko na sa sandaling siya ay muling pagkatiwalaan ng taong bayan na makabalik sa senado ay tinitiyak niyang doble-dobleng aksyon ang ipagkakaloob ng kanyang tanggapan sa lahat ng mga mamamayan.
Ganoon ay siniguro ni Revilla na mas lalo pa siyang gagawa ng mga batas na higit na makakatulong para sa mga mamamayan at sa bayan.
Samantala handa naman si Revilla na maging hurado sa gagawing impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, kung muli siyang mahalal na senador. Ngunit tikom naman ang bibig nito na magbigay pa ng anumang komento ukol sa usapin. (JOJO SADIWA)