Advertisers
NANAIG ang National University Nazareth School laban sa Far Eastern University, 59-57, Huwebes para makamit ang 8 sunod-sunod na tagumpay sa UAAP Season 87 boys basketball tournament sa Filoil EcoOil Centre.
Collins Akowe nagtapos ng 21 points,24 rebounds at two blocks para sa Bullpups,na tinapyas ang kanilang 59-53 lead at ibaba sa 2 matapos ang jumper ni Sam Hall, 27 segundo ang natitira sa laro.
Locsin at Carl Alfanta nag-ambag ng tig-8 puntos para sa NUNS, na makakaharap ang defending champion Adamson sa Linggo.
Ang Baby Tamaraws, na nalaglag sa third place sa 5-3,ay pinamunuan ni Marc Burgos, na umiskor ng 19 points, 5 steals, four rebounds at two assists.
Liam Salangsang bumakas ng 14 points habang si Cabonilas may 10 points,seven rebounds,three assists,three steals at two blocks para sa FEU D.
Samantala, Nakamit ng University of Santo Tomas ang kanilang seventh win matapos gibain ang De La Salle-Zobel, 76-58.
Koji Buenaflor umiskor ng 23 points at six rebounds habang ang Cameroonian forward Racine Kane nagdagdag ng 14 points at 10 rebounds para sa Tiger Cubs.
Sa iba pang resulta, Nasilat ng Adamson University ang Ateneo de Manila University sa manipis na 58-57, habang ang University of the East dinurog ang University of the Philippines Integrated School, 85-72,para magsalo sa fourth place at 4-4.
Mark Esperanza nagdeliver ng 13 points, seven assists, five rebounds at three steals; habang si Earl Medina, Johnrey Abayon at Allen Perez umiskor ng tig- 12 points para sa Baby Falcons.
Lance Sabroso nagtapos ng 10 points at six rebounds habang si Kristoper Lagat at Jean Bana nagdagdag ng tig- nine points para sa Junior Warriors.