Advertisers
GUMAWA ng kasaysayan ang Pilipinas Biyernes nang masungkit ng men’s curling team ang kauna-unahang gintong medalya sa Asian Winter Games matapos talunin ang South Korea, 5-3, sa finals sa Harbin, China.
Ito rin ang unang medalya ng bansa sa anomang edition ng Asian Winter Games.
Ayon sa World Curling, “Curling is a team sport, played on ice, where two teams take turns to slide stones made of granite towards a target – known as a House.”
The “house” has four rings which determine the stone closest to the centre, also known as a button. Each team has eight stones to use per round, also known as an end, and only one team will get a score in each end. Points are given to stones “located in or touching the house that are closer to the centre than any stone of the opposite team.”
Ang Curling Winter Sports Association of the Philippines, ay binobuo ng Filipino na nakatira sa United States, Canada, at Switzerland. Sa nakaraang interview ng GMA News Online, ang team ay nakatakdang sumabak sa Winter Olympics.
Ang Pilipnas ay may 3-1 lead bago umiskor ang South Korea ng tig-isa sa sumunod na two ends para magtabla ang laro. Nagrehistro ang Pilipinas ng isa sa seventh end para maagaw ang lead bago nakaligtas sa tangka na makadikit ang Koreans sa final end na ang Curling Pilipinas ay muling umiskor ng isa, sapat na para masakamay ng bansa ang unang gold medal.
Ang team ay binobou nina Marc Pfister, Christian Haller, Enrico Pfister, Alan Frei, at Benjo Delarmente, Jessica Pfister ang coach.
Ang Pilipinas ay umusad sa gold medal math matapos iposte ang 7-6 wagi laban sa China sa semifinals. Bago ito,Dinurog ng Pilipinas ang Japan 10-4, sa semis qualifier.
Ang Pilipinas ay nagtapos second sa Group A ng round robin na may 3-1 win-loss card. Nagsimula ang kampanya sa talo kontra South Korea, 6-1, bago nagwagi ng tatlong sunod-sunod laban sa Kazakhstan (4-1), Kyrgyzstan (12-2), at Chinese Taipei (11-3).