Advertisers

Advertisers

Mga biktima ng sunog sa Dist. 1 at 3, agad na tinulungan ni Mayor Honey

0 30

Advertisers

“HUWAG na po tayong magsisihan pa… ang mahalaga ay unahin nating iligtas ang buhay kapag may sunog at sikapin nating makabangong muli.”

Ito ang mensaheng ipinahayag ni Manila Mayor Honey Lacuna sa mga pamikya na nawalan ng tirahan sa dalawang sunog na naganap nang magkasunod sa Tondo at Sta. Cruz.

Inalalayan sina Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ni department of social welfare chief Re Fugoso sa pagbibgay ng kailangang-kailangang tulong sa mga biktima ng sunog na naganap sa residential areas sa Barangay 106, District 1 at Barangay 353 in District 3.



“Ang pag-asang dala ng bawat tulong na ating binibigay ay patunay ng malasakit ng pamahalaan sa bawat pamilyang nangangailangan sa oras ng sakuna. Patuloy tayong magiging katuwang sa kanilang muling pagbangon. Anumang pagsubok, basta’t sama-sama, kaya natin ito,” saad ng lady mayor.

Nabatid mula kay Fugoso na ‘di lamang namahagi ng financial assistance na P10,000 sa bawat pamilyang apektado ng sunog ang alkalde at bise alkalde , namahag din ito nga mga food boxes, relief goods, hygiene kits, grocery items at iba pang essential needs.

Pinasalamatan din ni Fugoso angq mga city councilors na nagbigay ng kanilang tulong kabilang na ang comebacking first district Congressman candidate Manny Lopez, Councilors Marjun Isidro at Eugene Santiago at third district Congressman Joel Chua at Councilor Fa Fugoso.

Pansamantalang inilagay ang mga biktima ng sunog sa Andres Bonifacio Elementary School kung saan agad na dinala ang mga portable tents para agad magamit ng pamilyang biktima ng trahedya.

“Sa gitna ng pagsubok, tinitiyak ng lokal na pamahalaan na walang maiiwan at bawat pamilyang naapektuhan ay may sapat na suporta,” sabi pa ng alkalde.



Idinagdag pa nito na: “Hindi man po malaki ang aming tulong na ibinibigay, ang mahalaga ay maramdaman ninyo na narito ang inyong lokal na pamahalaan na katuwang ninyo upang kahit paano ay makatulong ninyo sa muling pagbangon.” (ANDI GARCIA)