Advertisers

Advertisers

Altas puntirya ang kanilang 5th straight men’s volley crown

0 7

Advertisers

SISIMULAN ng University of Perpetual Help System Dalta ang paghanap sa kanilang ikalimang sunod na championship kapag nagsimula ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 100 men’s volleyball tournament sa Huwebes sa San Sebastian College Recoletos Gym sa Manila.

Ang Altas,may hawak ng league rekord sa men’s volleyball na may 14 titles, ay hahawakan ni head coach Macky Cariño.

Cariño ay nanumpa na dadalhin ang school’s legacy na iniwan ni legendary coach Sammy Acaylar, na namayapa sa edad na 66 nakaraang buwan.



“We will try our best to continue the winning tradition of Coach Sammy and we also dedicate each of our games to him,” Wika ni Cariño.

Ang mapanateli ang championship, ay malaking hamon para sa Perpetual Help na ang matagal nang Most Valuable Player Louie Ramirez ay natapos na ang kanyang playing years sa NCAA.

Gayunpaman, Cariño, ay kumpiyansa na ang kanyang team ay aangat sa pamumuno ni team captain KC Andrade at setter Klint Mateo.

Ang Altas ay sasandig rin kina Jefferson Marapoc, Kirth Patrick Rosos, Kobe Tabuga, John Castil, Dexter Arrozado, John Lituania, James Pascua at Henzron Manaloto pati sa rookies Kyle Gelogo, Renz Engay, Steff Rosete, Karl Jestre, Annrey Galila and Magrey Abrencillo.

Sisimulan ng Perpetual Help ang kanilang season kontra San Beda sa Pebrero 22 sa San Sebastian gym.



Game time ay alas 9 ng umaga.