Advertisers

Advertisers

DAMAYANG FILIPINO PARTY-LIST 17-TAON NG WALANG HUMPAY NA NAGSE-SERBISYO

0 45

Advertisers

Ang DAMAYANG FILIPINO MOVEMENT INC. “DFMI” ay itinatag noong 2008 ng nooy Bokal, Vice Governor na ngayon ay Bulacan Governor Daniel R. Fernando na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy itong nagbibigay ng serbisyo sa mga mahihirap na mamamayan sa lalawigan ng Bulacan tulad medical mission, training program, feeding program, libreng medical check up, libreng gamut, libreng nebulizer, libreng BP apparatus, libreng masahe, libreng gupit, libreng pustiso, burial, tulong pinansiyal at marami pang iba.

Mahigit labing pitong taon (17) ng walang humpay na nagseserbisyo ang DAMAYANG FILIPINO MOVEMENT INC. (DFMI) sa pangunguna ng Chairwoman Athenie “Ate Tenie” R. Bautista, division head ng medical (constituents) ng Pamahalaang Panlalawigan na kaagapay ni Gov. Fernando sa serbisyo publiko.

“Mula noon hanggang ngayon ay hindi nagbago ang pakikitungo ng DFMI sa aming mga mahihirap lalo na kapag humihingi kami ng pang maintainance at pang laboratory” – wika ni mang Joselito ng Barangay Bagna Malolos



Ang Damayang Filipino Movement Inc. (DFMI) ay isang non-governmental organization na itinatag noon pang year 2008 na dumadamay sa paghahatid serbisyo sa mga mahihirap na mamamayan sa komunidad, at para mas mapalawak ang serbisyo, lumahok ito sa 2025 midterm election bilang Damayang Filipino (DF) Partylist #76.

Sa totoo lang, kung serbisyo-publiko ang pag-uusapan ay talo pa ng DFMI ang mga party-list na may mga opisina sa Kongreso kasi ang tagal na nitong nagseserbisyo sa mamamayan, 17 years na, at ‘yung mga partylist na iniluklok ng mga botante noong 2022 election ay hindi ramdam ng publiko ang serbisyo.

Kaya ‘yung mga partylist na may puwesto ngayon sa Kamara pero dedma sa serbisyo ay dapat ibasura ninyo sa darating na halalan, at itong Damayang Filipino (DF) partylist # 76 ang iluklok ninyo sa Kamara, Period!

Ang DFMI ay walang patid na magseserbisyo may bagyo man o baha tuloy –tuloy ang serbisyo publiko ito ang sinabi ni Gov. Fernando, matapos ang kanilang isinagawang Medical Mission, sa ginanap na Social Welfare and Development Agencies, sa Pavilion Hiyas ng Bulacan Convention Center, Malolos City, Bulacan kamakailan.

Ayon kay Fernando ang Damayang Filipino Movement Inc. ay kanyang muling inistablis, na walang planong gawing partylist, subalit sa dami umano ng mga nangangailangan ng tulong, ay nagdesisyon siyang gawing partylist ang nasabing non government organization (NGO), para maging malawak ito at magkaroon ng ‘level up’ ang serbisyo. Mismo!



Mabuhay ka Governor Fernando Sir!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.