Advertisers

Advertisers

Pamilya Tulfo pagtulong sa tao ang motibo sa pagtakbo!

0 11

Advertisers

Hindi kaya gusto lang nitong si huwag na nating banggitin ang pangalan baka sumikat at bukod tanging ang Pamilya ng mga Tulfo ang pinuntirya para ipa-disqualify sa Commission on Election (COMELEC) hinggil sa Political Dynasty.

Sabagay sa ilalim ng 1987 Constitution ay malinaw na nakasaad duon ang pagbabawal sa Political Dynasty, pero nasusunod ba ginoong blangko ang pangalan sa ginawa mong paghahain ng petisyon laban sa mga Tulfo.

May nagsasabi posible mga Ka Usapang HAUZ na pakawala itong si Mr Blangko ang pangalan ng mga kalaban sa pagka Senador ng Tulfo brothers na sina Erwin at Ben dahil sa pangunguna ng dalawa sa senatorial survey.



Kasama rin pala sa petisyon mga Ka Usapang HAUZ ang ACT-CIS Party List na siya ngayong nangunguna sa mga survey na isa lang ang ibig sabihin gusto ng Sambayanan ang mga Tulfo.

Maging ang Turismo Party List na kinakatawan ni dating Tourism Secretary Wanda Tulfo ay isinama na rin nitong, sige na nga Ginoong Virgilio Garcia banggitin ko na ang pangalan mo ay isinama na rin sa petition for disqualification sa tanggapan ng COMELEC.

Sa tutuo lang mga Ka Usapang HAUZ, hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng Sambayanang Pilipino kung gaano ka husay ang Tulfo Family pagdating sa pagtulong lalong lalo na sa usaping Serbisyo Publiko.

Unahin na natin itong si Senator Raffy Tulfo, hindi pa ito senador eh sobrang dami ng natulungan mahihiya ang punuan sa MRT at LRT kung pagtulong lang rin ang paguusapan kaya nga unang takbo nito eh winner agad, kaya mas dumami pa ang natulungan.

Eto namang si dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary, na sa ngayon ay Congressman Erwin Tulfo na running for Senator ay hindi rin nagpapahuli tulad ng kanyang brother pagdating sa usaping pagtulong, siguro naman hindi makakalimutan ng mga taga Bicol ang ginawang buwis buhay nitong personal na pagtungo sa mga apektadong lugar ng manalasa ang Bagyong Kristine.



Kung lalahatin siguro ng mga Ka Usapang HAUZ ang mga naging accomplishment sa pagtulong ng mga Tulfo huwag na nating isama pa ang iba pa tulad ng ginagawang pagtulong nitong si ACT-CIS Party List Representative 1st nominee Jocelyn Pua Tulfo ay malamang maubusan na tayo ng espasyo.

Balik tayo mga Ka Usapang HAUZ dito kay Mr. Garcia, may nagtatanong lang po kung bakit parang ang pamilya Tulfo lang ang kilala nyo, ang pamilya Villar, Revilla, Cayetano, Sotto, maging ang pamilya Marcos at iba pa hindi ninyo isinama sa 1987 Constitution ang political dynasty law.

Tanong lang po Mr. Garcia mukhang minemenos mo ang pamilya Tulfo ah?

Nangako naman itong si COMELEC Chairman George Garcia na tatalakayin ng poll body ang naturang petisyon.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036