Advertisers

Advertisers

Magpalit tayo ng bago

0 4,129

Advertisers

HIGIT 2 months nalang maghahalal na uli tayo ng mga opisyal para sa ating gobierno.

Maghahalal tayo ng 12 senador pababa sa mayor.

Kung ako ang tatanungin, susubukan kong maghalal naman ng bagong mukha para sa Senado, yung may alam sa pagpanday ng mga batas, hindi yung sikat pero kulang sa talino para sa paggawa ng mga polisiya na makapagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa at sa ating kabuhayan.



Oo! Hindi na ako maghahalal ng mga dating pangalan lalo yung naharap na sa mga kaso ng katiwalian.

Hindi na ako maghahalal ng pamilya ng politiko lalo’t nakita na nating sunud-sunuran lang sa presidente, walang prinsipyo, na ang pagpasok sa politika ay para lamang sa kanilang negosyo.

Hindi ako maghahalal ng artista na ang talento ay magpatawa o mag-entertain lamang ng publiko. Mismo!

Maraming bago ngayon na talagang angkop sa posisyon na kanilang tinatakbuhan. Sa Senado nandiyan ang mahuhusay at may integridad na kandidato tulad nina Atty. Luke Espiritu, dating Commission on Audit (CoA) Commissioner Hiedi Mendoza, gusto ko rin ibalik sina dating Senador Bam Aquino at Kiko Pangilinan na kapwa nagpakita ng magandang performance noong sila’y nasa puwesto.

Say n’yo mga pare’t mare?



***

Nagpapasaklolo ngayon sa Korte Suprema si Vice President Sara Duterte-Carpio.

Hiniling ni VP Sara sa kataas-taasang hukuman na pigilan ang Kamara sa pag-impeach sa kanya.

Ang pagtakbo ni VP Sara sa Korte Suprema ay pagpapakita ng kanyang takot na mapatalsik sa puwesto. Taliwas sa kanyang mga unang sinabi na haharapin niya ang impeachment sa Senado at ito aniya ay walang epekto sa kanya, na mas masakit pa raw ang mawalan ng dyowa sa pagpatalsik sa kanya ng mga kongresista.

Ramdam ni VP Sara na matatalo siya oras na upuan na ng Senate Impeachment Court ang mga reklamo laban sa kanya, kahit pa siguro sa Hunyo pa simulan ng Senado ang imbestigasyon sa impeachment.

Ang sigurado palang naman na papabor kay VP Sara sa Senate Impeachment Court ay sina Robinhood Padilla, Allan Cayetano at Mark Villar na mga tinulungan noon ng Duterte makapuwesto sa Senado.

Sina Bong Go at Bato Dela Rosa ay hindi pa nakasisiguro kung mananalo uli sa eleksyon.

Ewan lang natin ang mag-utol na Tulfo, sina Erwin at Ben, na nasa top 5 sa surveys sa senatoriables, kung boboto sila pabor kay VP Sara kapag nanalo sila sa eleksyon. Ang utol nilang incumbent senator na si Raffy ay hindi pa natin basa ang kanyang damdamin, pero sinabi niya na noon na kaibigan niya ang Duterte.

Si Raffy ay malakas na kontender para sa pagka-presidente sa 2028. Kapag nabasura ang impeachment vs VP Sara sa Senado at tumakbo itong presidente sa 2028 ay malamang na sila ni Raffy ang maglaban. Puede! Kaya naiisip ko na bumuto itong si Raffy laban kay Sara para ‘di na makatakbo pa sa 2028 ang anak ni Digong.

Say n’yo mga repa’t rema?

***

Nagprisenta si dating presidente Rody Duterte na isa sa mga maging abogado ng kanyang anak sa impeachment court. Hmmm… oobra kaya sa Senate Impeachment Court ang masamang bibig ni Digong? Eh batid natin na ang talino ni Digong ay ang magmura lamang. Bobo siya sa batas!!!