Advertisers
Ni Archie Liao
NOONG nag-oberdakod si Bea Alonzo sa bakuran ng GMA-7 mula sa ABS-CBN ay napabalitang gagawin nila ni Alden Richards ang Pinoy adaptation ng Korean tearjerker na “A Moment To Remember.”
Kaso may ibang balak ang universe at hindi ito natuloy.
May mga pula rin noon na diumanoý walang chemistry ang kanilang tambalan at hindi bagay si Bea sa role ng bida. Hanggang napabalita na lang na shelved na ang nasabing proyekto.
Naglabas pa noon ang kampo ni Bea ng pahayag na nag-beg off ang aktres sa movie nila ni Alden dahil umano sa ‘scheduling conflicts.’
Gayunpaman, natuloy naman ang kanilang teleseryeng “Start Up Ph” na isang mild hit.
Nakakuha naman ang GMA-7 at Viva na magka-collab sa nasabing project ng replacement kay Bea sa katauhan ni Julia Barretto.
Lately, lumabas na ang ilang pics nina Julia at Alden particularly for that project.
Sa isang portal, naging usap-usapan ito ng mga tsismosang kapitbahay.
Hirit nila, mas bagay daw si Alden kay Julia kesa kay Bea.
Malaking factor daw dito ang kanilang age gap considering na hindi naman isang May-December movie ang kanilang ginagawa.
Ito ang ilang hirit ng kibitzers sa pagkukumpara kina Bea at Julia.
“So, si Julia ang sumalo sa role na originally ay para kay Bea. For me it’s a good choice, mas bagay sila ni Alden.”
“Sina Bea at Alden talaga ang original choices, kaso hindi sila nag-click sa Start-Up so napunta ang role kay Julia. Inagawan na naman ni Julia si Bea, hehe.”
“Ang buhay nga naman parang life. Iyong kay Bea, napunta kay Julia. Parang si Ge lang.”
“Kaloka. Si Julia ang tagasalo ni Bea. Una iyong boyfriend, ngayon naman, movie. “
“Mas may chemistry naman ang JulDen kesa Bea at Alden.”
“At least same level sina Julia at Alden.”
“Sana original story naman at hindi adaptation.”
“May bagong bubuhatin si Alden.”
“Excuse me. Hindi naman pabigat si Julia dahil may pruweba rin siya sa box office.”’
****
MTRCB kinatawan ang Pilipinas sa Annual Asia Digital Communications and Media Forum sa Seoul, South Korea
MULA sa naging imbitasyon ng International Institute of Communications (IIC), pinangunahan ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang delegasyon ng Pilipinas sa Annual Asia Digital Communications and Media Forum 2025 nitong Pebrero 11-12, 2025, sa Seoul, South Korea.
Kasama ni Chairperson Sotto-Antonio sina Board Members Maria Carmen Musngi, Katrina Angela Ebarle, at Legal Affairs Division Chief, Atty. Anna Farinah Mindalano.
Ang naturang pagtitipon ay nagdala sa iba’t ibang grupo, organisasyon, at mga industriya na makapag-usap hinggil sa patuloy na paglawak ng digital media landscape sa mundo.
“Bilang ahensya na may mandato pagdating sa pagbibigay ng angkop na klasipikasyon sa mga pelikula at programa sa telebisyon sa Pilipinas, naiintindihan namin ang importansya na makasabay sa mabilis na pagbabago sa porma ng media,” sabi ni Chairperson Sotto-Antonio kung saan binigyang diin nito ang kahalagahan na matutunan din ang ginagawang hakbang ng ilang kapwa regulators sa mundo at ang pakikipag-ugnayan sa kanila.
Ang partisipasyon ng Board ay nagpapatunay sa pangako nitong matiyak ang isang ligtas, inklusibo, at responsableng paggamit ng media ng pamilya at kabataang Pilipino.
Bilang resulta, nais ni Chairperson Sotto-Antonio na ipatupad ang mga sumusunod na inisyatibo:
– Information Dissemination Campaign: Sa pakikipagtulungan sa IIC at mga stakeholders sa pagsusulong ng “Responsableng Panonood” sa bawat tahanan.
– Pagpapatibay at pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan at kolaborasyon sa mga content creators at film producers na makibahagi sa compliance workshops upang maiangat ang mga pampamilyang programa; at
– Posibleng pakikipagtulungan sa IIC pagdating sa mga pinaka-epektibong paraan sa regulasyon, content moderation, at pagbibigay ng angkop na klasipikasyon.