Advertisers
HINDI kailangan utusan ng Korte Suprema ang Senado upang buuin ang sarili bilang impeachment court at litisin si Sara Duterte na nahaharap sa impeachment trial. Hindi order ang kailangan ibaba ng Korte Suprema batay sa ilang kuwestiyon sa batas hinggil sa impeachment trial ni Sara.
Ang kailangan ibaba ng Korte Suprema ay tamang interpretasyon ng Saligang Batas hinggil sa impeachment trial ng isang impeachment official tulad ni Sara. Kailangan ibigay ng Korte Suprema ang paglilinaw kung hanggang saan ang poder ng Senado pagdating sa impeachment trial ni Sara. Hindi kailangan utusan ng Korte Suprema upang buuin ang sarili bilang impeachment court.
Sa ilalim ng prinsipyong separation of powers ng Saligang Batas, may sariling mga poder ang Ehekutibo, Kongreso, o Lehislatura, at Hudikatura. Hindi maaari na basta na lang uutusan ng Korte Suprema ang Senado upang kagyat na litisin si Sara.
Ngunit may poder ang Korte Suprema na bigyang ng linaw ang probisyon ng Saligang Batas. Hindi kailangan pilitin ng Korte Suprema ang Senado, ngunit may kapangyarihan ito na magbigay ng tinatawag na declaratory relief bilang paglilinaw sa probisyon ng batas. Ito ang basehan kung ano ang marapat na ikilos ng Senado.
May petisyon sa Korte Suprema na humihingi na magbaba na ito ng utos upang pabilisin ng Senado sa paglilitis kay Sara. May mga pananaw na sadyang binabagalan ni Senate President Chiz Escudero ang proseso dahil palihim siyang kampi kay Sara.
Hindi kami ayon sa atungal ni Chiz na inupuan umano ng Camara ang tatlong impeachment complaint na nai-file sa Camara. Hindi alam ni Chiz ang proseso kung bakit nagkaroon ng pang-apat na impeachment complaint na pinirmahan ng 240 kasapi ng Camara. May proseso kung paano nabuo ang pang-apat na impeachment na hindi na dumaan sa Justice Committee ng Camara at tuluyang naisumite sa Senado.
Ang aming napansin ay ang Senado ang umupo sa naisumiteng impeachment complaint dahil ayaw nilang magtrabaho. Nararamdaman ang umaapaw na katamaran ng mga senador. Kahit si Chiz ay halatang tinatamad. Parating ang tag-init at ayaw nilang gumalaw sa gitna ng mainit na panahon. Mas gusto niya ang magrelaks at iparetoke ang kanyang anyo tulad ng mukha at kilay. Hindi siya ganado na bigyan ng tamang interpretasyon ang salitang “forthwith” sa Konstitusyon.
***
MABIGAT ang suliranin ng bansa sa mga fake news na naglipana. Ito ang dahilan kung bakit binuo ang TriCom at kasalukuyan nitong iniimbestigahan ang isyu upang makagawa ang Kongreso ng karampatang polisiya. May pahayag si Surigeo del Norte Kin. Robert Ace Barbers.
Chairman Barbers: Tri Comm inquiry not intended to suppress free speech; tells vlogger you can hit us 24/7, but be truthful and careful with what you post online
THE House Tricom inquiry on the dissemination of fake news and malicious content on social media platforms is not intended to suppress the freedom of expression or of speech, Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers said.
Barbers, whose privilege speech last December 16, together with a resolution authored by Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., prompted the inquiry, made clear the purpose of the probe at the start of Tricom’s second hearing this Tuesday morning.
“I just would like to reiterate that the objective of the the hearings the Tricom is conducting is not to suppress the freedom of expression or the freedom of speech,” Barbers told the three-committee panel, which was temporarily presided over by Antipolo City Rep. Romeo Acop on behalf of Chairman Dan Fernandez of Laguna.
“In fact we are all aware that this is provided for in our Constitution and we’d like to respect the right of every one to his own opinion or to his own expression. Contrary to what others may be thinking, this is not in any way a tool to suppress their expressions or opinions on certain issues, whether they may be political or economic or even other points of views,” Barbers, lead chairman of the House Quad Comm and chairman of the House Committee on Dangerous Drugs, said.
Barbers said his colleagues want certain rules or best practices to govern the dissemination of information on social media. “It’s just a way perhaps of adopting what are the best practices of other countries in relation to the employment or deployment of social media platforms,” Barbers added.“Our take being members of the 19th Congress is to establish a set of rules, conscious of course of the constitutional right to freedom of expression. Yung sa akin lang naman po ay isang polisiya or framework na kung saan ay hindi magamit ang social media platforms for spreading fake news or espousing disinformation, misinformation or mal-information,” he stressed.
The Mindanao House leader told vloggers “who have been hitting members of Congress that we don’t mind.” “In fact, we don’t mind even if you do that 24 hours, seven days a week, 365 days a year, that’s all right. But please be careful with what you post online, because if these are found to fake, lies or falsehoods, then there are laws that can be used to penalized those who abuse freedom of expressions.”
***
Email:bootsfra@gmail.com